26

3.5K 87 0
                                    

Chapter 26

Naglakad kami ni Elmo hanggang sa nakarating kami sa isang man-made falls. Nandun din sila Maqui at Patrick at nagsasalitan sa pagkuha ng pictures sa kanya-kanya nilang phones. Nagtatawanan rin sila. Tumayo si Elmo sa likuran ko at niyakap ako mula dun.

"Naalala mo nung nasa Pampanga pa tayo? Kapag nagbabakasyon tayo sa resthouse namin sa Subic?"

"Yeah. Anong meron?"

"Naalala mo yung promise ko sayo?"

"What about it?"

"Tutuparin ko yun, asawa. Soon." aniya.

Naalala ko naman bigla ang tinutukoy niya. Nasa Subic kami nun. Kasama ko sina mama at papa at kasama niya ang parents niya. It's New Year's Eve and we were waiting for the clock to strike 12. Abala ang parents namin sa paghahanda ng mga pagkain at kami naman ni Elmo ay nakaupo sa may swingset nila sa porch. We were both looking at the beach and the starry sky.

"Asawa?" untag niya sa akin.

"Hm?" sabi ko saka siya nilingon.

Hinawakan niya ang kamay ko at saka ito hinalikan.

"I will build your dream beach house, asawa. Kapag yumaman na ko, ipapatayo ko yung bahay na pangarap mo." sabi niya.

"Hoooooy! Landian nang landian oh!" bumalik ako sa ulirat nang marinig ang sigaw nina Maqui at Patrick.

"Tara ditey! Picture tayo!" sabi ni Patrick.

"Pagbigyan na nga natin yung dalawang yun. Kawawa naman. Hahahaha." sabi ko saka na hinatak si Elmo.

"Picture tayo!" sabi ni Maqui pagkadating namin ni Elmo sa pwesto nila. "Pat! Kami muna ni bes!"

Binigay ni Maqui kay Patrick ang phone niya saka ako hinatak palayo kay Elmo at niyakap.

"Okay! Ready 1...2! Ready 1...2! Ready 1...2!"

"Bakla picturan mo na!" angal ni Maqui at saka namin narinig ang shutter sound. "Anak ng! Hinayupak ka talagang baklita ka! Gusto mo pinagttripan ako ha?!" aniya sabay habol kay Patrick na tumatawa lang naman nang tumatawa habang tumatakbo.

"Hahahahahahaha. Frencheska Mae bet ko ang shot mo ditey! Para kang si Thor pag galit! Hahahahahahahahaha."

"Walanghiya ka talagang bakla ka! Maabutan lang kita malilintikan ka saken eh!" sigaw pa ni Maqui.

"Di pa rin sila nagbabago no?" tanong ni Elmo na nakatayo na sa tabi ko.

"Sila? Sus. Hindi no. Lumala pa nga lalo eh." sabi ko naman. Tumawa siya saka ako inakbayan. "Pero alam mo? Kahit retarded yang dalawang yan mahal na mahal ko yan."

"I know. They're the only people closest to your family." sabi niya. Tumango naman ako.

Maqui and Patrick has been with me since I can remember. Si Maqui kababata ko yan. Kapitbahay kasi namin sila sa Pampanga and her dad is my ninong. Only child din siya and when her dad died ay sa amin na siya tumira. Never naman kasi niyang nameet ang mommy niya dahil namatay yun nang ipanganak siya dahil sa complications. Si Patrick naman naging kaibigan namin siya nung third year highschool na kami. Bully kasi yang baklang yan. Pero sa school, kami lang ang naging katapat niya sa kalokohan niya. Kaya ayan. Bestfriends na kami.

"Kapag ikaw talaga naabutan ko!" narinig naming sigaw ni Maqui. Si Patrick naman tuwang-tuwa sa pagkakapikon ni Maqui. Napailing na lang ako.

"Sir, andito na po si Engr. Bautista." sabi ng isang trabahador kay Elmo.

"Alright. Susunod na ako." aniya. "Asawa, kakausapin ko lang si Harvey ha? Babalikan ko kayo dito."

"Sige. Pipigilan ko muna yung dalawang magpatayan." sabi ko. Tumawa siya saka na humalik sa noo ko bago naglakad kasunod ng trabahador. "Hoy! Tigilan niyo na nga yan!" sigaw ko kanila Maqui nang makaalis na si Elmo.

The ExTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon