Chapter 28
"What?!" gulat na tanong ni Maqui. "Agad-agad?!"
"Eh gusto na daw niya eh." sabi ko.
Kakadating lang ni Maqui galing sa office nun. Kinamusta niya ako agad and I told her about what Elmo said before he left. It's my second day at hindi nanaman ako nakapasok. Bukod sa andito si Elmo ay dumoble pa ang sakit ng puson ko. I hate monthly periods.
"Teka teka. Bakit?" aniya.
"Sabi niya dun din naman daw ang punta namin. So bakit kailangan pa daw maghintay." sagot ko naman.
"Anong sabi mo?"
"Sabi ko kakausapin muna kita. Tsaka kakausapin ko pa sila Mama H."
Pumikit siya saka ko pa siya nakitang humugot ng malalim na hininga.
"Anong balak mo?" tanong niya makalipas ang ilang saglit. Napaisip din ako. Ano nga ba ang balak ko?
"I want to move in with him pero di ba masyadong maaga?" tanong ko sa kanya.
"Kung titignan, yes. Maaga pa. Kasi kailan lang naman naging kayo diba? Pero kung iisipin mo, hindi na rin. Kasi you've been together for ten years and nagbreak kayo ng limang taon and now that you're back together it's as if hindi naman na considered na new couple kayo." explain niya. "It's like you're just starting your life again. Where you both left off. Diba balak niyo naman na talaga yun even before? Kung hindi naman siya nagpunta sa States to take his MA hindi naman kayo maghihiwalay at baka nga kasal na kayo by now."
Hindi naman ako nakakibo. Naalala ko nga yun. We've planned on living in together after our college graduation. Nakahanap na nga kami ng apartment nun eh. It's all settled kaya lang kasi kinailangan niyang magtake ng MA niya sa US kung nasaan na ang parents niya. Kaya hindi na natuloy. Tapos nagbreak pa kami. So wala na talagang nangyari. The apartment was sold to a new buyer and I stayed in Mama H's apartment with Maqui.
"Hey, di ako kumokontra dun sa plano ni Elmo ha? In fact naisip ko na may point siya dun eh. Pasasaan pa at ikakasal na rin naman kayo soon diba? I mean, dun naman na talaga punta niyo diba? Wala ng eepal?" sabi niya.
"E-ewan ko." sagot ko.
"Oh. Are you having second thoughts? Bes, kung naiisip mong lolokohin ka nanaman niya please lang wag na. I can see na nagbago na talaga siya. Siguro nag sink in na rin sa kanya lahat ng mura namin ni Patrick. And by the looks of it, he's really really really serious about you. He's all grown up and he looks very sure of your relationship."
"Pero hindi naman kasi natin sigurado ang mangyayari eh. What if magkaron nanaman ng hadlang? Paano kung magkahiwalay nanaman kami? Ayoko na ng ganun Maq. Masyado ng masakit pag nangyari pa yun."
"Julie Anne, pwedeng tantanan mo yang mga what if-what if mo ha?! Uumbagan na kita!" aniya. "Bes, kahit ngayon lang maging madamot ka na. Kung may humadlang then fight for him. Ipaglaban niyong pareho. Pero kung maghiwalay nanaman kayo, I guess you just have to accept it. Bes, you won't know the answer if you won't try. Di mo makikita ang resulta kung palagi kang panghihinaan ng loob."
"I'll move in with him at the end of the month. Sayang naman kung aalis ako dito eh kakabayad ko lang kay mama ng upa." sabi ko. I saw how my bestfriend smiled and she went for me and hugged me.
"Big girl ka na talaga." was all she said.
Bumaba na kaming dalawa at naabutan naming abala si Mama H sa pag-inom ng kape habang nagccross stitch.
"Ma may sasabihin si Julie." sabi ni Maqui sabay tabi kay Mama H at pinanuod ang ginagawa niya. Nag-angat ng tingin sa akin si mama kaya lumapit ako at tumabi sa kabilang side niya at yumakap.
![](https://img.wattpad.com/cover/25049625-288-k582843.jpg)