Chapter 11
Jacky:
Jules! Birthday ni Gela ngayon diba? Surprise natin siya pag-uwi niya ha? Ako na sa cake. Si Maya daw magluluto. Hahaha. Ge! 😁
"Maq, sama ka?" tanong ko kay Maqui. Nasa office na kami nun at abala sa kanya-kanyang trabaho. Si Patrick ay abala sa pag-eedit para sa bagong issue at nakasalpak ang earphones.
"Saan?" tanong ni Maqui.
"Dadaan ako sa mall eh. Magpapagupit sana ako tapos baka bumili ako ng para sa birthday ni Gela."
"Ah. Ay oo nga pala no? Birthday pala ni pula ngayon? Tsk. Ikaw na lang siguro, bes. Kasi baka mag-OT ako ngayon eh." sagot niya. "Pero uuwi ako in time for the surprise."
"Ganun? Sayang. Sige ako na lang muna. Pero text mo ko pag uuwi ka na dadaanan na lang kita dito ha?" sabi ko.
"Osige. Hahaha. Para di na din ako magcommute." nakangiting sambit niya.
Tulad nga ng napag-usapan ay nauna akong umalis kay Maqui sa office. Birthday nga kasi ni Gela ngayon at balak namin siyang isurprise. Buti nga at mauuna kaming lahat umuwi sa kanya eh. Kasi nasa team building siya simula pa nung isang araw at hapon pa ang balik nila. Eh sa Quezon daw ang team building nila kaya malamang ay late na makakauwi yun.
Nasa department store ako at tumitingin ng pwedeng iregalo sa kanya nang may kumalabit sa akin. Nagulat ako dahil napakaganda ng ngiti niya sa akin.
"Hi." bati niya. Kumunot naman ang noo ko saka na lang siya hindi pinansin. "Hey. Uhm..."
"Busy ako." sabi ko naman.
"Ano... Yayayain lang naman sana kita after mo eh." aniya.
"Busy nga ako." sabi ko sabay harap sa kanya. "Tsaka paano mo nalaman na andito ako? Ang layo naman ng mall na to sa bahay mo ha? And knowing na big time ka, paano ka mapapadpad sa isang department store aber? Stalker." sabi ko at muli ng tumalikod.
"Julie! Ano... C-coffee lang naman sana tayo after."
"Busy nga ako. Slow ka ba?! Layuan mo nga ako!" iritang sambit ko saka na siya iniwan.
"Julie naman eh." sabi niya saka pa sumunod uli. "I just want to talk."
Huminto ako sa paglalakad saka humarap sa kanya.
"Teka. Nung huling nagkausap tayo na tayong dalawa lang sabi mo di mo ko pipilitin makipag-usap. Eh ano to? Ha?" sabi ko sa kanya. "Know what? Nawalan na ko ng gana maggala. Uuwi na lang ako kaysa makita pagmumukha mo."
Naglakad na uli ako palayo nang hawakan niya ang kamay ko saka pa ako hinatak palapit sa kanya.
"Tsk. Elmo ano ba! Bitawan mo nga ako!" sigaw ko.
"Julie naman. Pwede bang kahit katiting ng oras mo ibigay mo sa akin? Magpapaliwanag ako."
"Elmo naman. Pwede bang kahit katiting ng utak mo paganahin mo? Anong parte ba ng hindi ako naniniwala sayo ang hindi mo naintindihan ha? Sabihin mo para isaksak ko sa kukote mo na ayoko na!" sigaw ko nanaman. Lumilingon na ang ibang malapit sa amin pero wala akong paki. Lecheng lalaki to. Ano pang katangahan yan ha?!
"Lahat Julie. Hindi ko maintindihan lahat dahil iba ang sinasabi ng puso ko sa utak ko."
"Malamang. Wala ka namang utak eh." sabi ko.
"Julie..."
"Elmo, layuan mo na ako. Maawa ka naman sa akin pwede? Kasi tuwing nagpapakita ka sa akin lalong nadadagdagan yung galit ko eh. Ayoko namang puro galit na lang ang matira sa pagkatao ko kasi madami pang nagmamahal sa akin at madami paang magmamahal sa akin. Kaya pwede? Layuan mo na ko." pakiusap ko. Inalis ko ang kamay ko na hawak niya saka na uli naglakad pero sinundan nanaman niya ako.