13

4.1K 96 6
                                    

Chapter 13

"Huwaaaaaaat?! Julie Anne anetch ang kalokohan ang naisip mong babaita ka ha?! Bakit pumayag kang mujer ka na magpaloko nanaman sa ulupong na yun samantalang nagsabi ka na hindi ka na magpapaloko?! Anong kahibangan yan, Julie!!" iritang sabi ni Patrick. Tumingin siya kay Maqui saka niya ito tinuro. "At ikaw naman Frencheska Mae! Anetch ang nangyari sayo at hinayaan mong maging ganito si Julie? Akala ko ba magkakampi tayo dito ha?!"

"Bakla kumalma ka nga? Daig mo pa yung babaeng nagllabor eh!" sabi naman ni Maqui sa kanya. "Alam mo, kaya hinayaan ko na siya kasi alam ko namang gagawin at gagawin niya kung ano ang gusto niya. Ikaw na rin mismo nagsabi sa akin diba? That Julie never listens to us. Kaya ano pang ipuputok ng buchi ko kung hindi rin naman siya makikinig. Labas na nga litid ko kakasermon sa kanya pero may nangyari ba? Wala naman diba?"

Umupo si Patrick sa gitna namin ni Maqui dito sa couch at saka niya pinikit ang mga mata niya.

"Pat..." tawag ko.

"Shh! Wag kang magsalita at nagiinternalize ako." sabi niya saka pa niya hinarang ang kamay niya sa mukha ko. Makalipas ang ilang saglit na katahimikan at paghihintay ay tumingin siya sa akin. "Okay. So he wants a second chance?" tanong niya.

"Yes." sagot ko naman.

"And you agreed?" tanong nanaman niya na siyang tinanguan ko naman. "Julie, limang taon siyang nawala sa buhay mo. Limang taon na ni ha ni ho, wala. Ni seenzoned sa chat wala rin. He went on with his life while you stayed miserable. Now tell me, did you make the right decision?"

"Patrick..." ani Maqui.

"Frencheska, I'm trying to tell our friend that what she did was wrong. Spur of the moment lang yan Julie. Nabigla ka lang dahil sabi mo nga kahinaan mo siya. And him knowing na siya ang kahinaan mo, ginamit niya yun para mapapayag ka sa gusto niya. Just like how you both started out as a couple. Spur of the moment din yun diba? Biglaan. Pero napasubo ka dahil crush mo siya nun. At ngayon, napasubo ka nanaman dahil mahal mo pa rin siya hanggang ngayon." aniya.

"Hayaan na natin Patrick. She'll never learn hangga't puso pa rin niya ang papairalin niya." sabi naman ni Maqui.

"Punyetang puso yan. Kailan pa nagkautak yan ha?!" singhal ni Patrick saka pa napatayo mula sa couch.

"Patrick!" ani Maqui. Nanatili lang naman akong nakayuko. Naiintindihan ko naman si Patrick eh. Tama naman siya. Pero anong magagawa ko? Nagmahal lang naman ako.

"Fine. Second chance, Julie? Gusto niya ng second chance? Osige! Basta siguraduhin niyang hinding-hindi ka na niya sasaktan. Dahil sinasabi ko sa inyo. Once he hurt you again, itaga niyo sa bato. Mapapatay ko yang lalaking yan." galit na sabi niya.

Umuwi si Patrick pagkatapos nun. Hinayaan na lang namin siya ni Maqui. Ganun naman talaga siya kapag galit sa amin eh. Umuuwi.

"Wag mo na isipin yung sinabi ni Patrick. Alam mo namang mas galit pa kay Elmo yun kaysa sayo eh. Pinapairal niya kasi yung kabaklaan niya eh." sabi ni Maqui.

"Tama naman kasi siya Maq eh. Hindi na talaga ako dapat pumayag. Ang tanga ko lang talaga kasi bumigay ako sa kagustuhan ni Elmo. Pero kasi..."

"Kasi nga mahal mo. Julie, kahit naman sang-ayon ako kay Patrick syempre susuportahan pa rin kita sa gusto mo. Kasi kahit naman alam nating lahat na hindi na dapat, alam din naman namin na diyan ka lang sasaya. And if we want the old Julie back, we will let her have her happiness back. Diba?" yumakap ako sa kanya saka na naiyak.

"Thank you Maqui." sabi ko.

"Sus. Wag ka magpasalamat. Hindi ka pa rin nakinig sa amin no. Buti na lang mahal ka namin ni Pat kaya hahayaan ka na namin."

The ExTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon