Chapter 38
Elmo stayed. Pero hindi siya nagtagal. He went home at around 2am. Ayaw pa sana niya and was pleading me na payagan siyang magstay overnight dito sa Caliraya pero sabi ko bawal dahil nga baka mapagalitan ako ni ma'am. Kahit pa sabihin na nagbayad si Elmo for his own accommodation, ayoko pa rin namang isipin ni ma'am na nilulubos ko yung pagiging girlfriend ng taong nagpataas sa sales namin. Nakakahiya.
Pabalik na sana ako sa kwarto namin when I saw Daryl by the pool area. Nakaupo siya sa edge ng pool at nakababad ang paa.
"Daryl?" untag ko. Nag-angat siya ng tingin saka matamlay na ngumiti sa akin. "Bakit gising ka pa?"
"Can't sleep eh." kibit-balikat na sabi niya. "Elmo left?"
Nagulat ako dahil alam pala niyang andito si Elmo. Bigla naman akong kinabahan kasi baka isumbong niya ako kay ma'am.
"Don't worry, Julie. Wala akong balak sabihin kay tita yan. Hahaha. Chillax." sabi niya na para bang nabasa niya ang nasa isip ko. "Matutulog ka na ba?"
"Hindi pa ko inaantok eh." sabi ko. He patted the space next to him and so I sat down. "Maingay ba si Nate matulog kaya andito ka? Hahahaha." biro ko.
He chuckled as he shook his head.
"Hindi naman. He was snoring alright. Pero hindi malakas to the point na papatayin ko na siya gamit ang unan manahimik lang. Hahahaha. Tsaka naiintindihan ko naman kung bakit naghihilik ang mga tao. Siguro pagod yun." aniya.
Tumango naman ako and we both became quiet. Hindi naman awkward silence. Nakakatuwa nga dahil kahit di pa kami ganun katagal na magkaibigan ni Daryl at kahit pa nung una ay umamin siyang may gusto siya sa akin ay hindi naman kami nailang sa isa't isa. Siguro dahil na rin parehas na kaming matured mag-isip kaya ganun.
"Alam mo, nakakatuwa yung boyfriend mo." biglang sabi niya. Napalingon ako sa kanya at nagtaas pa ng isang kilay. "Kasi gingawa niya lahat masiguro lang na okay ka na talaga."
"Yeah. He's stubborn like that. Kahit ilang beses ko siyang pagsabihan na wag na pumunta dahil di naman na kailangan ay pupunta pa rin siya. Pero alam mo, natutuwa ako sa pagiging ganun niya. It's those little things that he does that makes me feel more loved." he smiled and nodded.
"Yeah."
"Ikaw ba? Ganyan ka ba sa girlfriend mo?" I asked him.
"Oo naman. Lalo na sa ex kong si Shane." sabi niya. Nakita ko kung paano nawala ang kinang sa mata niya at animo'y napalitan ito ng lungkot.
"Uhm... If you don't mind. Pwede ko bang malaman yung kwento niyo?" tanong ko. He looked at me and smiled sadly before he nodded. Tapos ay muli siyang tumingin sa kawalan and started telling me their story.
"Si Shane, nakilala ko yan sa isang gig namin nung college. Sa Metrowalk. We were part of the show there and she was at the bar they owned. Actually ayaw niya sa akin at first. Syempre. Diba nga ang isip ng tao, kapag kasama ka sa banda babaero ka? So yun. Ayaw niya kasi sabi niya hindi naman ako seryoso. But I proved her wrong. I pursued her. I talked to her family. Basta ginawa ko lahat to win her. Hanggang sa yun. Napanatag siya sa akin. We became friends hanggang sa yun. Naging kami." kwento niya.
"How long were you together?"
"We've been together for 4 years. It was the happiest years in my life. Hindi ko naisip na may ganun palang klaseng kasiyahan." aniya.
"Yeah. Minsan akala natin yung happiness natin pag mag-isa tayo, yun na lang yun. Pero kapag nakilala natin yung isang tao na nagpabago sa buhay natin, maiisip natin that there is happiness beyond what we thought was the happiest." sabi ko.