Chapter 21
Tahimik lang kami hanggang sa dumating ang pagkain. Hindi ko naman kasi alam ang sasabihin ko sa kanya.
"Uhm..." narinig kong sambit niya.
"What is it?" pagtataka ko. Nag-iwas siya ng tingin saka pa nagkamot ng batok habang ngumingiti. "Elmo, ano yun?" tanong ko uli.
"W-wala. I-I don't know if I should say it. Baka kasi mailang ka." sabi niya saka pa yumuko.
"Ang alin ba?" tanong ko nanaman.
Tumitig siya sa akin and smiled his boyish smile. God I missed that.
"You look beautiful, Julie. Always." was his words. Nagulat ako at naramdaman ko ang pag-init ng mukha ko. "See? Naiilang ka." sabi niya nang nag-iwas ako ng tingin.
"H-hindi. T-thank you." sabi ko.
Palihim akong ngumiti at saka na lang nagpatuloy sa pagkain. Nagulat ako nang hawakan ni Elmo ang kamay ko.
"I wish I could turn back time..." he said. "So that you won't feel awkward when I compliment you."
"We can't turn back time, Moe..."
"You called me, Moe again." puna niya. "I missed that. Ikaw lang ang tumatawag sa akin niyan. It was your secret nickname for me."
Namiss din naman kita Elmo. Miss na miss na nga kita eh. Nakita ko kung paano namuo ang luha sa mata niya. He smiled weakly saka nag-iwas ng tingin sa akin.
"Ano ba yan. Napuwing pa ko." pagdadahilan niya saka kinuskos ang mga mata niya. "Sakit..."
Hinawi ko ang kamay niya na patuloy sa pagkuskos sa mata niya saka pinunasan ako mga luha niya.
"You don't have to act like that Elmo..." sabi ko. Hinawakan niya ang kamay kong nasa pisngi niya and kissed it gently.
"Can I take you somewhere?" he asked and I nodded. Nagbayad na siya at pagkatapos ay umalis na kami ng Flame Lake Grill.
Dumating kami sa SkyRanch. May mga tao parin pero di na madami dahil gabi na rin at masyado ng malamig dito. Napayakap ako sa sarili ko dahil sa lamig at nagulat nang suotan niya ako ng jacket.
"Tara." anya saka na hinawakan ang kamay ko at naglakad na kami papunta sa ticket booth.
Pagkapasok namin ay naglakad na kami hanggang sa makarating kami sa gate ng Ferris Wheel. Sumakay kami sa isang cab. Nakaupo kami sa tabi ng isa't isa habang hawak niya ang kamay ko.
"Naalala ko dati. Sa Enchanted Kingdom tayo huling nagpunta. Nung graduation natin diba?" sabi niya.
Tumango naman ako at nagtuon ng pansin sa labas ng cab. Nakakamangha rito. Napakaganda ng view. You can see the city lights and the Taal Volcano. You can see the lights from the other rides and the people strolling in this amusement park. And you can see the starry night sky.
"Julie..." tawag niya sa akin. Lumingon ako at nagulat sa sobrang lapit ng mukha namin sa isa't isa. Lumayo ako ng konti saka siya nagsalita uli. "I just want to tell you that what I said earlier was true. Na ikaw pa rin ang iniikutan ng mundo ko. You're my sun and I can't live without you. Alam kong nasaktan kita dati and maybe I'm still hurting you up to now. Pero aayusin ko talaga to Julie. Aayusin natin to ha? Please?"
Matagal bago ako nakasagot sa kanya. Gusto ko rin naman yan Elmo eh. Gustong-gusto ko.
"I can't promise you that I won't hurt you anymore. Di naman ako perfect na tao pero sisiguraduhin kong magiging mas mabuti ako kaysa noon. I was a fool back then and I have learned a lot when you left me. Tama nga sila that you won't really know the importance of a certain person until they're gone. Kaya when you left me, narealize ko na hindi ko pala kaya kapag wala ka." aniya. "Let me fix this okay?"
