36

3.8K 83 3
                                    

Chapter 36

Kagaya nga ng sinabi ni Reg ay hapon dumating si Ma'am Clarisa. Actually, malapit na mag-uwian nung dumating siya pero nagstay kami dahil nga daw may meeting. Nagpunta na kaming lahat sa conference room at hinintay namin ang pagsasalita niya.

"Okay. I won't be making this long. Pagod ako from the conference at alam kong atat na rin kayong umuwi. I just want to tell you that we would be having our team building this Saturday." aniya. Nagsimula na magbulung-bulungan ang iba naming katrabaho. Kami naman nina Maqui at Patrick ay tahimik lang na naghihintay. "Anyway, ang team building natin ay gaganapin sa Caliraya Resort sa Laguna. We'll be staying there from Saturday hanggang Monday ng hapon."

Wala namang nakipagtalo. I mean, hello?! Team building yan! And it means, makakapagpahinga kami from this toxic work we've been doing for the whole year. Kahit tatlong araw lang yan, atleast hindi kami makakarinig ng sermon mula kay Ma'am Clarisa.

"My nephew will be with us. I assume some of you know him." sabi ni ma'am sabay tumingin sa amin nina Maqui at Patrick.

Si Daryl?! Okay... Hindi naman ako makakapalag since pamangkin siya ni ma'am. Okay lang din naman kasi kaibigan naman talaga namin siyang tatlo. Pero paano si Elmo? Ipapaalam ko ba? O wag na lang? Wag na lang siguro. Tutal, di naman importante kung sino ang mga kasama ko eh. Basta alam niyang andun sina Maqui at Patrick, papayagan naman niya akong sumama dun.

Pagkatapos ng meeting ay pinaalis na rin kami ni ma'am. Nagyaya si Maqui na tumambay muna kami sa Brews dahil nga namiss niya raw ako.

"Caliraya nanaman? Wala na bang ibang alam na resort si Thor?" reklamo ni Patrick. "I mean, nakapunta na tayo dun eh."

"Pat, tayo lang naman nakapunta dun. Di naman kasama sila ma'am. Tsaka madami kasing activities dun so suitable talaga siya for team buildings." sagot ko.

"Oo nga bakla. Wag ka na mareklamo diyan! Tsaka nukaba. Naalala mo yung gwapong staff dun? Ano nga pangalan nun? Harvey?" agad namang nagliwanag ang mukha ni Patrick nang maalala ang tinutukoy ni Maqui.

"Ay! Oo nga no?! Omg!" kinikilig na sambit niya. "Feeling ko siya ang tunay na pag-ibig ko eh."

"Dream on, bitch!" sabi naman ni Maqui. Tumawa kaming dalawa at inasar lang si Patrick.

"Pat, diba may jowa na yun?" sabi ko.

"Julie Anne, ang mag-asawa nga naghihiwalay eh. Magjowa pa kaya?" sabi naman niya.

"Sus. Nako, bakla wag na. Gusto mo bang ma-Jared ulit?" sabi naman ni Maqui. Agad na tumahimik si Pat at pasimpleng uminom ng frappé niya. "Sorry."

"Wag na nating pag-usapan ang mga multo ng kahapon." sabi niya, halatang pinipilit ngumiti. "Anyway, kasama si Daryl girl. Sasabihin mo ba sa seloso mong boylet yan?"

"Kailangan ba?" tanong ko.

"Malamang, bes. Alam mong pinagselosan ni Elmo yan diba? And it didn't just happen a long time ago. It happened last Tuesday lang kaya." sabi naman ni Maqui. "Tell him na pamangkin kasi siya ni ma'am kaya siya kasama."

"Sabagay. Ayoko rin namang itago sa kanya. Kasi paniguradong malalaman niya naman eh." sabi ko. Tumango silang dalawa.

"Onga pala, musta naman yung first night mo dun aber?" tanong ni Patrick.

"Bakla, ako na sasagot niyan. Okay naman. They reached climax. Bwahahahahahahahaha!" humagalpak sila ni Patrick sa kakatawa at namula naman ako.

"Bunganga mo nga, Frencheska!" saway ko sa kanya.

"Oh bakit? Sabihin mong hindi, sasapakin kita!" banta naman niya.

"Eh paano mo naman nalaman, Frencheska Mae ha?" ani Patrick.

The ExTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon