35

4K 85 1
                                    

Chapter 35

"You sure you're using this trash?" tanong ni Elmo nang makarating kami sa parking area ng condo.

"You callin' my car a trash?" inis na tanong ko. "FYI, Mr. Elmo "Rich Kid" Magalona. My car may be a 2000 Toyota Corolla but this baby has been with me since I started driving. And yeah it may have gone to the auto shop a lot of times but I never considered this a trash!" sabi ko habang nakapameywang pa. Tumawa lang naman siya saka ginulo ang buhok ko bago ako hinalikan sa pisngi.

"I'm just saying, asawa. Ang ganda-ganda mo tapos sa lumang kotse ka sasakay? Pwede naman kita ipahatid kay Mang Nicolas eh."

"Ugh! Wag na okay? Malelate ka sa meeting mo kapag nagpahatid pa ko. And besides, he's your driver. Not mine."

"He's your driver too, you know. Pero I won't argue with you anymore. Basta mag-iingat ka ha? Text me when you arrive safely. I don't trust your car anymore."

"Whatever. Sige na. Bye." paalam ko saka na sumakay sa kotse. Kumatok naman siya so I rolled down my window.

"I love you! See you tonight." aniya saka na ako hinalikan sa labi. Ngumiti ako sa kanya and drove out of the parking area.

Pagdating ko sa office ay nakita ko agad sina Maqui at Patrick na nagkkwentuhan kasama nina Reg at Essa. Himala ata? Mukhang di sila nakasubsob sa trabaho ngayon ah.

"Finally! Anditey na ang ever so Portugal na merlat na itey. What took you so long? Nagquickie pa kayo ni ever so yaman na boylet mo no?!" salubong ni Patrick saka pa bumeso sa akin.

"Eww Patrick!" sabi ko. Tumawa naman sina Reg, Essa at Maqui. "Bes!!" tawag ko kay Maqui saka yumakap sa kanya at kumalong pa.

"Aray ko naman, Julie Anne! Hindi ka magaan ha?!" aniya.

"Maqui I miss you!" sabi ko naman saka pa hinigpitan ang yakap sa kanya.

"Wow ha? Namiss ba talaga? Eh hindi mo nga sinasagot yung tawag ko kagabi. Napunta pa ko sa voicemail mo. Ano ka na? Ilang buwan?" sabi niya. Kinurot ko naman siya sa tagiliran bago ako tumayo. "Aray!"

"Buwan ka diyan?! Agad-agad?!"

"Uyyy di niya dineny na nagdo sila kagabi. Hahahaha." asar naman ni Patrick. Nanlaki ang mata ko at naramdaman pang uminit ang pisngi at tenga ko.

"Hahaha. Guilty siya, beks!" ani Reg saka pa sila nag-apir ni Essa.

"H-hindi ah! Grabe naman kayo saken." sabi ko saka sumalampak sa swivel chair ko. "Bakit nga pala kayo anditong dalawa?"

"Eh kasi si ma'am mamaya pang hapon dadating. Nasa conference siya sa Intramuros. Tinawagan niya lang ako kanina na hapon pa raw siya makakarating dito." sagot naman ni Reg. "Tsaka nga pala may meeting tayo mamayang pagdating niya. Lahat daw tayo."

"Ganern? So wititit tayiz gagawin? Tara galabels muna!" anyaya ni Patrick.

"Di ako pwede. May pinapasubmit na report saken si ma'am mamaya eh." sabi ni Essa.

"Ako din. May tatapusin pa kong article. Di ko kasi nasave sa flash drive ko nung isang araw kaya di ko nagawa sa bahay." sabi ko naman.

"Ako din eh." ani Maqui. "Kailangan matapos ko tong article na to."

"Ano ba yan! Mga wala kayong kwenta!" reklamo ni Patrick saka umupo sa table niya. "Tinatamad pa ko mag-edit ng layout eh. Itong si Thor na to namumuro na talaga saken to eh. Lahat na ng ideas nasabi ko na wiz pa din approve?!"

"Ganyan talaga bakla. Matanda na kasi yun kaya choosy na." sabi naman ni Reg. "Sige balik na ko sa desk ko ha? Aayusin ko pa yung kailangan ni tanda mamaya eh."

The ExTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon