Chapter 33
"Kamusta pala yung dinner niyo kagabi nila Patrick?" tanong niya. We were lying on our bed at kasalukuyang nagpapahinga. After kasi kumain ay naglinis pa kami sa condo. Hindi naman madumi pero dahil nga sa paglilipat ko ay medyo naging marami ang nagkalat na boxes.
"Well, it was okay at first. Masaya naman. Kaya lang kapag talaga lasing na ang mga tao nagkakalabasan na ng problema." sagot ko.
"Bakit?" pagtataka niya.
"Basta. Nakakaawa si Patrick kaya lang wala naman kaming magagawa ni Maqui eh. Ganun na nangyari eh." sabi ko. Nakita kong kumunot ang noo niya kaya natawa ako. "Di mo ko magets no?" tanong ko na siya namang inilingan niya.
"Please explain?" he pleaded.
"Hm... Kasi, Patrick met this guy named Jared at a seminar a few months ago. At first syempre masaya siya kasi mabait si Jared. Basta alam mo yun? Parang Jared's interested in him too. He even wanted to meet us. So parang kami naman ni Maq, todo kilatis kami sa kanya and yun. Pumasa naman. Pero lately, naging matamlay si Pat. Di na kagaya before na siya yung laging hyper sa aming tatlo. Tapos kagabi, he told us that Jared was courting a girl and was even asking for his help. Sabi ni Pat, ayaw niyang tuluyang mafall pero di naman talaga kasi maiiwasan yun, asawa diba? No matter how hard you try to control what your heart wants, di mo maiiwasan yun kasi puso mo na yan eh. Iba talaga ang gusto niyan sa gustong mangyari ng isip mo."
I felt Elmo hugged me saka siya humalik sa noo ko. I hugged him back and even snuggled closer. I know I'm not the one who needs to be comforted pero syempre ramdam ko rin yung sakit na nararamdaman ni Patrick. Kaibigan ko yan eh. Bestfriend ko yan.
"Alam mo, marami talagang ganyang nangyayari. It's very cliché. You love someone, that someone loves someone else. It's sort of a trend. Ewan ko ba. Pero Patrick doesn't have to worry about things. Andyan naman kayo ni Maqui eh. He doesn't need a guy in order to find happiness. Kayo lang ni Maqui okay na eh." aniya.
"That's what we told him. He agreed naman kaya lang syempre, iba pa rin naman yung happiness niya if there's someone who's willing to spend his life with him diba?" tumango siya saka ako hinalikan uli sa noo. "I feel bad for Pat. Gusto ko siyang icomfort kaya lang ano namang magagawa ko diba? Kahit ata ibugaw ko siya sa kung sinong mga lalaki diyan kung si Red ang gusto niya, wala naman mangyayari."
"Don't worry asawa. Maybe the guy that's meant for him hasn't come yet. Malay mo di pa sila nakatadhanang magkita." aniya.
Yumakap na lang ako sa kanya saka pa sinubsob ang mukha ko sa dibdib niya.
"Alam mo, kailangan mo muna magpahinga. Napagod ka ata kakalinis eh. Let's take a nap first. Okay?" sabi niya sabay halik sa noo ko.
"Okay." sagot ko.
Nagising ako dahil sa paulit-ulit na pagring ng phone ko. Kinapa ko iyon sa night table at saka sinagot kahit di tinitignan kung sino ang tumawag.
"Hello?"
"Bes! Finally sinagot mo rin. Akala ko forever na lang ako maghihintay sa pagriring ng phone mo eh. Ano bang ginagawa mo ha? Siguro nagsesex kayo ni Elmo no?!" nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Maqui at nagising ang diwa.
"Bunganga mo naman, Maq! Nakatulog ako kasi nag-ayos kami ng condo niya."
"Niyo. Condo niyo. Ano? Nakatira ka na diyan pero di mo pa icclaim na iyo na rin yan?"
"Ts. Maqui, si Elmo ang may-ari nito. Wala naman akong share sa pera niya dito eh. Isa pa if ever naman na magshare ako sa bills di naman counted yun na conjugal property na to eh."
