Chapter 25
"Parang may bago." sabi ni Patrick. Andito kami nila Maqui sa isang coffeehouse shop. Break time namin at nagpapahinga na kami.
"Bago? Parang wala naman?" ani Maqui habang nililibot ang paningin sa kabuuan ng café.
"Shunga ka nanaman my friend. Di naman kasi yung place." irap ni Patrick.
"Huh? Eh ano?" nagtatakang tanong ko. Minsan hindi na rin namin magets ni Maqui tong si bakla eh. Kung anu-ano na lang napapansin tas lakas pang maka-riddle.
"Parang may nadiligan." nakangising sabi niya. Tumingin siya kay Maqui at nagtaas-baba pa ng kilay. "Gets mo na?" aniya.
Nanlaki ang mata ni Maqui at saka pa napaawang ang bibig niya.
"Aaaaah!!! Gets! Gets ko na beks." ani Maqui sabay apir pa kay Patrick. "Onga no? Parang nga."
Kumunot ang noo ko sa kanilang dalawa. Sa pagkakaalam ko tatlo kaming magbbestfriends dito eh. Pero bakit mas madalas na may secrets sila at inside jokes na dalawa? Palagi na lang ako yung OP.
"What do you mean?" di mapigilang tanong ko.
"Akalain mo bakla? After how many years nabuhay ang namatay na bulaklak." sabi ni Maqui at nagtawanan pa sila.
"Oo friend! Pwede pala yun no? Kala ko hanggang Disney na lang yang nga ganyang eksena eh!" gatong naman ni Patrick at nakipag-apir nanaman kay Maqui.
"Will you guys tell me what it is? Seriously. Tatlo tayong magkakaibigan diba? Why do I feel out of place?" medyo inis na sambit ko. Lalo naman silang nagtawanang dalawa at iiling-iling na uminom sa frappe nila.
"Eh paano ka makakarelate eh lagi kang wala." ani Maqui.
"True! Tsaka hello, Julie Anne? Di pa ba obvious na ikaw ang topic? I mean, ikaw naman ang pambansang topic sa kwentong to no." irap naman ni Patrick.
"Eh bakit ganun? Nadiligan? The hell?!" sabi ko.
"Duh?! Blooming ka kasi friend. Gosh! Brady much!" sabi ni Patrick at nagpaypay pa gamit ang kamay niya.
"Ako blooming?" tanong ko. "Hindi naman ah."
"Utot mo rainbow! Have you seen your reflection? Para kang nagpabotox na nagpa diamond peel na nagpa stem cell eh!" sagot ni Patrick. Tumingin ako kay Maqui na malaki lang ang ngisi sa akin habang pinaglalaruan ang straw sa pagitan ng taas at baba niyang labi.
"Maq..." suminghap siya saka umayos ng upo habang nilalapag sa maliit na mesa ang frappe niya.
"Bes, ang ganda mo ngayon. Ang haba ng hair mo, naaapakan na nga namin ni Pat eh. Tsaka bes, ikaw ba si Lottie? Kasi para kang may permanent blush on sa pisngi eh." sabi niya. Tumawa si Patrick at saka pa siya binatukan nito.
"Maqui!" sabi ko. "Ano bang trip niyong dalawa?!"
"Hahahahaha. Wala! Napansin lang kasi namin na mula nung umuwi ka kahapon eh ang aliwalas na ng mukha mo. Alam mo yung sa commercial ng Buscopan? Yung constipated siya tas after uminom nung gamot kala mo nanalo sa lotto? Ganun! Ganun yung itsura mo. Jackpot ba?" ani Maqui.
"Nagdo na kayo no?!" usisa naman ni Patrick. Nanlaki ang mata ko at naramdaman kong uminit ang pisngi at tenga ko. "Hahahahaha! Confirmed!"
"Hoy!" protesta ko. Tumingin silang dalawa sa akin at nagtaas pa ng isang kilay. "A-ang bastos n-niyo!"
"Hahahaha. Sus. Di na tayo gradeschool Julie. For Pete's sake we're 28 already! Open na yung mga utak natin sa usapang ganyan." sabi ni Maqui na siya namang tinanguan ni Patrick.
