Chapter 15
"Tulaley?" napapitlag ako nang biglang nagsalita si Patrick. Naglapag siya ng tasa ng kape sa mesa saka tumabi sa akin sa bench. "Nyare?" tanong niya.
Ilang araw na ang lumipas mula nang nagpunta kami ni Elmo sa dating school namin. Mula nun ay lalo lang akong naguluhan sa sitwasyon. Ewan. Basta gulong-gulo ang utak ko.
"H-ha? Wala." sabi ko.
"Lul. Ilang araw ka na kayang tulala. Feeling ko nga robot ka eh. Laging sa kawalan ang tingin tapos kung kumilos kala mo programmed robot eh." aniya.
"Huh? Hindi no. Si Maqui?" tanong ko.
"Nasa loob. Naliligo. Ikaw girl anong balak mo? Porket day-off natin, day-off na din ng paliligo mo ha? Maggrocery pa tayo inday! Galaw-galaw!" sabi niya.
"Uhm... Osige. Aakyat lang ako." sabi ko saka na wala sa sariling umakyat.
Pagpasok sa kwarto ay nadatnan kong nagbibihis na si Maqui kaya naman nagdiretso na ako sa bathroom para makaligo na rin.
"Ayos ka lang bes? Ilang araw ka ng wala sa sarili ah." puna ni Maqui nang natapos ako sa pagligo. Hinintay pala niya ko. "Bes?"
"H-ha? Ah. O-oo ayos lang ako."
"Sure? Coz you don't look okay." halata sa boses niya ang pag-aalala. "May nangyari ba nung umalis kayo ni Elmo?"
"Maq..."
"I know you Julie. Si Elmo lang ang bukod tanging tao na nakakapagpapalit ng mood mo. Kaya please? Tell me."
"Wala to. Promise." pagsisinungaling ko. Suminghap siya saka pumikit.
"Fine. Tell me when you feel like it. Make it fast."
Nakarating kami sa mall makalipas ang kalahating oras. Hindi naman sana talaga kami ang maggrocery kaya lang ay nagkaron ng emergency kanila Jacky kaya kinailangan niyang umuwi sa kanila. Si Maya naman ay nagstay sa bahay ng pinsan niya dahil bagong dating iyon galing Kuwait. Kaming tatlo na lang nila Gela ang nasa bahay ngayon at nasa trabaho naman si Gela kaya no choice kami ni Maqui.
"Kain muna tayo friends. Tom Jones na ang lola niyo eh." ani Patrick.
"Sige. Saan tayo kakain?" tanong ni Maqui.
"Mcdo na lang." sagot ni Patrick.
"Eh! Kakasawa na dun eh." reklamo naman ni Maqui.
"Wow Frencheska Mae. Nagtanong ka pa magrereklamo ka rin pala."
"Wag na dun. Iba na lang. KFC."
"Yoko. Jollibee na lang." sabi ni Patrick.
"Subway na lang."
"Pizza Hut"
"Sa SumoSam na lang."
"De. Sa Burgoo na lang."
"Wag dun. Iba na lang." ani Maqui. "Sa Mang Inasal."
"Eh! Ayoko! Sa BonChon na lang." suggest nanaman ni Patrick.
"Sa foodcourt na lang kaya." wala sa sarili kong sambit.
"Shit." gulat na sabi nilang dalawa.
"Narinig mo?!" ani Patrick. Nakita ko namang nanlaki ang mata ni Maqui saka siya tumango. "Nagsalita siya friend! Nagsalita yung mannequin!!"
"Tsk. Ano ba." iritang sambit ko. Tumawa silang dalawa at sabay na umakbay sa akin.
"Kaloka ka naman kasi friend. Tila ka naman kasi mannequin diyan na nakatayo lang diba?"
