Chapter 1 - Chelsea

11.2K 273 137
                                    

Flashback.

Jema.

"Baby, it's Manang.  Si Chelsea daw!!!" sabi ko kay Deanna.

Nataranta naman agad sya pagkarinig sa sinabi ko.

"What happened to Chelsea?  Please don't tell me it's bad news!!" she replied habang hinahawakan nya ang kamay ko.

Napaka OA yata masyado ng pagkakasabi ko dito, ah.

Umiling naman ako at medyo ngumiti. Parang telling her that it's not bad news naman but something to be alarmed of.

Nasa loob na kami ng room namin dito sa Maldives.

I took a deep breath muna bago nagsalita.

"May guy na pumunta daw sa school nila Chelsea today at hinahanap sya tapos nagtatanong ng mga personal information about her. They asked the man what's his relationship to Chelsea since hindi naman sya kilala sa school.  Family friend daw ang sinabi nya doon sa information desk. He just mentioned na Mr. Delos Santos ang name nya.  Siempre na alarmed yung staff kaya tinawagan nila si Manang na nasa canteen lang that time. They told the man to wait muna kay Manang para ma-identify nga sya properly." I started telling Deanna.

"And then?" she asked.

"So pinaupo muna nila sya pero pagdating ni Manang doon sa reception area, wala na daw yung guy. Bigla na lang umalis ng hindi nila namalayan kasi nga madami ring tao sa reception that time." sabi ko pa.

"Bakit ngayon lang itinawag ni Manang sa iyo yan?" Deanna asked again.

"Eh nagsabi na daw sya kila Papa and yun nga advise nila sa kanya na huwag muna sabihin sa atin dahil pauwi na rin tayo bukas.  Ayaw nilang mag alala tayo since wala naman daw masamang nangyari kay Chelsea. Pero buti na lang hindi nakatiis si Manang at sinabi na agad sa akin.  Alam nyang magagalit ako pag hindi nya ipinaalam." paliwanag ko.

"Napabuti din pala yung pagiging madaldal ni Manang.  But like what Papa Jess said, wala namang masamang nangyari kay Chelsea so keep calm na, Love." sabi nya.

"I'm scared, baby.  Sino ang taong yun at bakit nya hinahanap si Chelsea?  I mean, wala naman kaming ibang relatives pa na pwedeng maghanap sa kanya or kaibigan man.  Buti na lang at alam ng school yung ginagawa nila at hindi hinayaang makalapit sa anak ko ang taong yun." naiiyak na sabi ko.

"Hey, anak natin.  Bakit naging anak mo na lang sya?  Mag asawa na tayo, baka nakakalimutan mo.  Always remember that Im here, Jema, to help you." she said.

I smiled naman. Asawa ko, sarap pakinggan sa tenga.

"Don't worry too much, baka nagkamali lang ng name yung guy.  Maybe he was looking for another child. Don’t strees yourself na because okay naman si Chelsea.  Lagi mong tatandaan, wifey, kahit anong mangyari, we will protect our daughter." Deanna assured me while hugging me.

Ang bait at napaka supportive talaga ng asawa ko.  I hugged her tight.  Gumaan ang pakiramdam ko kahit papaano.

"I know, but you can't blame me for feeling scared and worried.  I don't want anything bad to happen to Chelsea." I replied.

"Hey, stop being paranoid.  Ikaw rin." sabi nya.

"Eh kasi naman, involved na si Chelsea.  Hindi ako mapapakali hanggang hindi tayo nakakauwi." sagot ko.

"May cctv naman sa school, right?  They could easily check it para ma identify yung guy and para mapanatag na rin loob mo." she finally said.

Forever Yours ( Book 3 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon