Chapter 39 - The Meet Up

5.3K 194 133
                                    


Deanna.

I finally put baby JD to sleep, hay. Medyo nag-i-iiyak kanina, ang hirap patahanin. Alam nya yata na wala si Jema at mukhang hinahanap ang boses ng Mummy nya. Napasubo na nga ako kumanta at sumayaw para lang matulog na ito.

After finishing his milk, pina burp ko muna at naging comfortable naman sya. I changed his nappy na rin. Muntik akong maihian ni bunso, hahaha.

Pagkaalis ko kasi ng old nappy, biglang sumirit ang wiwi nya, omg. Buti mabilis ang reflexes ko at naiharang ko uli yung diaper kundi diretso sa mukha ko ito. 

It would have been hilarious kung nasapol ako sa mukha tapos nandito si Jema naku siguradong pagtatawanan ako nun.  Eto kasi lagi ang pinag uusapan namin tuwing nagpapalit kami ni diaper ni bunso.

Pero nice try, Joaquin. Hindi mo maiisahan si Dada mo. Ako pa.

Napag isip isip ko na, ang hirap pala maging full time na Nanay. One day lang akong nag aalaga kay Joaquin eh mukhang ayoko na, suko na.

Wala pang 24 hours, Wong.

Kaya saludo ako sa lahat ng mga Nanay specially sa wifey ko, kay Jema. Sobrang hirap ng ginagawa nila.  Hindi basta basta ang mag alaga ng mga anak at mag asikaso ng asawa pa.

That's why they really deserved to be pampered during Mother's Day. Pero hindi lang dapat sa araw na yun, kung may chance, treat them na. Gaya ng ginagawa ko ngayon, parang treat na rin ni Jema sa sarili nya yung paglabas nila ni Chelsea.

Naalala ko yung mag ina ko.  Kumusta na kaya sila?  Baka nasa sinehan na ang mga ito.  I told Chelsea to take her Mum to the movie house if time permits. Safe naman kasi manood at malapit lang naman sa hotel ang cinema.  Lalakarin lang nila. 

Mukhang busy at nag eenjoy ang dalawa kasi wala man lang sumunod na text uli si Jema. She sent one when they were in the hotel na kanina tapos wala na. Ayaw ko namang mag text sa kanya at baka isipin ay nami-miss ko na sya, char.

"Manang, sabayan nyo na po ako ni Kuya Rommel sa hapunan para naman may kasama ako." sabi ko habang umuupo na para kumain.

Nasa kusina na kaming dalawa.

Medyo nagulat na napatingin sa akin si Manang. I usually eat kasi on my own kung wala si Jema. Or pag late na ang uwi ko galing sa trabaho, si Jema lang ang sumasabay sa akin pag alanganing oras na.

Naka ready na ang mga pagkain sa lamesa. Namangha naman ako sa nakita. Fiesta ba sa amin ngayon? Ang daming putahe na niluto ni Manang.

Kailangan yatang sabihan si Manang na medyo tipid tipid naman sana. Parang sampung tao ang kakain samantalang tatlo lang kami ngayon, tsk.

Pwede namang ilagay sa fridge ang leftovers, Wong.

"Ay sige po, boss Deans para ganahan nga kayo.   Tatanggi sana ako kaso kawawa naman ambebe ni ma'am Jema.  Baka hindi kayo makakain ng marami eh magugutuman kayo tapos mangangayayat.  Lagot ako sa asawa nyo pag uwi nun. Takot ko lang, huh." mahabang sagot nya.

"Hahaha, hahaha.  Langya, oo na Manang, tawagin mo na si Kuya bago magbago ang isip ko." I said.

Umalis na muna sya at pinuntahan sa likod ng bahay si Kuya Rommel.

Nagsimula na kaming kumain when we are all seated.  Medyo nahihiya pa ang dalawa sa akin kasi kokonti ang kinuha nilang ulam at kanin.

"O kuha pa kayo, wag mahiya sa akin. Ang dami nitong pagkain." sabi ko sa kanila.

Sabay pa silang kumuha sa plato na may lamang adobo. Nagkahawakan tuloy sila ng kamay. Natawa ako kasi parehas silang nag blush yata.

"Taga saan ka na nga Kuya, Batangas di ba?" tanong ko.

Forever Yours ( Book 3 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon