Chapter 40 - Hidden Motive

5.3K 188 141
                                    


Deanna.

"Yes, sir.  I will read and study it then I'll send it back to you once I agree with the proposal." I said on the phone.

Kausap ko ngayon si Mr. Delos Santos.  He is suggesting a solution about my problem.  Ipapadala daw nya ang proposal nya about my company, este, yung company namin ni Jema at ng ibang stockholders para mapag aralan ko ito.

"Good. Read around it and make sure you understand everything.  If you have any questions, call me.  You don't have to rush because we are all in lockdown. Time is plenty for all of us to review and agree if ever. That will keep us busy during quarantine." he replied.

Tama nga naman, huwag magmadali, Wong.

"Correct po, sir.  I'm glad na nagsabi ako sa inyo kasi nababaliw na ako dito sa bahay." I said.

"Parehas tayo, and to think na pang third day pa lang ngayon ng lockdown.  Anyway, don't call me sir.  Di ba sinabi ko na sayo na you just call me Tito para naman medyo bumata ako." he responded while laughing.

"Hahaha.  Sige po, Tito Lito.  Thank you sa time ninyo.  I'll talk to you soon, bye." I ended the call bago bumukas ang pinto ng study room.

"Coffee for you, asawa." Jema said at inilapag nya na sa table ang tasa ng kape.

Napatayo ako at nilapitan sya.  I hugged her tight sabay lagay ng ulo ko sa pagitan ng balikat at leeg nya.  Inamoy amoy ko sya.  Hmmm, amoy gatas.  Siguro pinadede nya si Joaquin. 

Swerte ni Joaquin, Wong.

Inggit ako, hahaha.  She's still breastfeeding baby JD kasi nga nagla lactate pa sya kahit papano.  Sayang naman kung hindi ito gamitin, di ba.  Saka mabilis daw magpapayat ang mga bagong panganak pag nagbe breastfeed pa.

Not that Jema needs to lose weight pa. Sa tingin ko bumalik na sa dati yung katawan nya.

"Hmm, bango naman ng wifey ko." I said habang hinahalikan ang leeg nya.

"Hey, stop asawa. Anong bango bango eh hindi pako naliligo. Ikaw talaga." sabi nya as she slightly push me.

Damn.  Akala ko makaka score ako, hahaha. 

Ay wala sa mood ang asawa mo, Wong.

"Baka lang makalusot, hehe." sagot ko sabay kamot ng ulo.

She just smirked at me.  Waahh, may paganun?

Naupo na lang ako uli at kinuha ang kapeng dala nya. Humigop ako ng konti, sarap ah. Basta si Jema ang nagtimpla, super sarap. Alam nya kasi ang timplang gusto ko. White without sugar.

"Thank you sa coffee, Love." sabi ko ng hindi pa sya nagsasalita.

"How's your work, asawa?" tanong nya habang tumitingin sa mga papers na nasa table ko.

"It's okay, nothing new to report.  Nag stop lahat e. So wala munang kliyente sa ngayon pero I told the staff to continue working from home." I answered.

Nakausap ko na yung mga angels and so far ay natapos na nila yung mga projects na hawak nila. They already sent it to our clients after my final approval. Wait na lang namin ang feedback nila. 

They keep themselves busy by emailing all our potential clients hoping that they will respond kahit papano.  Para after ng crisis na ito, may list na agad kami na pwedeng trabahuhin.

"Are you sure na okay lahat?" tanong nya ulit.

"Oo naman. Bakit parang ayaw mong maniwala?" medyo inis na tanong ko rin.

Forever Yours ( Book 3 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon