Jema."Baby, ikaw naman ang tatanungin ko ngayon. What do you prefer, a girl or a boy?" tanong ko sa kanya.
Nandito kami ngayon ni Deanna sa balcony ng aming bahay. We seldom stay here dahil nga kay Chelsea, masyado kasing malikot baka akyatin ang railings at mahulog.
"Honestly?" she asked.
Tumango ako. She touched my tummy at hinaplos ito ng marahan. Lagi nyang ginagawa ito ever since nalaman naming buntis ako. Pampa-good luck daw.
"Love, I want a boy since girl na si Chelsea." she replied.
Napatingin ako sa kanya agad.
"Hmmmn, boy pala. Expected na yan eh. Boy ang wish ng lahat ng mga magiging Daddy. Gusto nila boy para may Junior na daw sila." sagot ko.
Naks, Deanna Wong Jr. Bagay.
"Well, isa yun sa mga reasons why I prefer a boy. Sya ang magdadala at magpapatuloy ng apelyido ko, ng apelyido natin." she said.
Tama, may point naman sya. Kahit mag asawa ito, Wong pa rin sya at ang magiging apo namin. Teka, masyado na yata akong advance mag isip, hehe.
"Bukod sa maaalagaan nya si Chelsea pag may umapi dito, may magpapatuloy pa ng mga nasimulan na natin. Yung ating negosyo, sya ang magtutuloy nito pati si Chelsea." she further explained.
"Eh paano kung girl ang magiging baby natin? Are you gonna be disappointed?" I asked.
She looked up to me and her face turned serious.
"If it's a girl? Okay lang din kung girl ang magiging anak natin. Para may kapatid, kaibigan at kakampi na si Chelsea na babae. Sabi nila, mas strong daw ang bond pag sisters. I don't know if it's true kasi wala akong kapatid na babae. Maybe you can tell me if it's true since dalawa kayo ni Mafe." she answered.
"Masaya naman talaga kung may sister ka lalo kung halos magka edad lang kayo. Parang best friend mo na rin sya dahil kasama mo sa lahat ng oras. Sa school, sa bahay at sa galaan. May masasabihan ka pa ng problema lalo na sa love life." I replied habang nakangiti.
Huh, love life talaga.
Ganun kasi kami ni Mafe, open kami sa mga bagay na ganyan. Tapos kung may kaaway kami sa school dati, tagapagtanggol namin ang isa't isa. We always got each other's back. Kaya super strong talaga ng sister's bond namin.
Mas strong yata ang bond pag brother to brother or brother to sister?
"Pero sabi ko nga, whether it's a boy or a girl, both will be super okay. Kung ano ang ibibigay ni Lord, I will be thankful and grateful for it. Saka malay mo kambal pala ang magiging anak natin, hehe." natatawang sabi pa nya.
Napatingin ako uli sa kanya. Tama lahat ng sinabi nya.
"Naku, huwag kang magbiro ng ganyan baby. Hirap naman kung kambal." I said while laughing.
"How about you, Love? What do you want?" balik tanong nya sa akin.
"Ako naman, kahit ano basta healthy. Kahit maging katulad natin sya na ganito, alam mo yun. I will accept her or him ng buong puso." sagot ko.
"Same sa akin, Love, same." sabi nya sabay yakap sa akin at hawak sa tiyan ko.
"Basta ang wish ko lang, maging mabuti syang tao, masaya na ako nun." sabi ko pa.
I put my hand on top of hers at sabay naming hinawakan ang tummy ko.
Ibibigay ni Lord ang hinihiling ninyo. Tiwala lang.
BINABASA MO ANG
Forever Yours ( Book 3 )
RomanceDeanna Wong. Jema Galanza. The couple, together with Chelsea, are now embarking on their journey as a family. However, life is full of surprises. Like any other marriage, they will encounter a lot of trials along the way. It's definitely not a...