Chapter 51 - Price To Pay

6.4K 242 180
                                        


Jema.

Lumipas na ang gabing ito na nauwi sa madugong katapusan. Or should I say, umaga dahil magbubukang liwayway na nung nakalabas kami sa warehouse na iyon. 

Who would have thought that an innocent Friday night out will result into this? Kahit ako siguro ang sabihan ninyo na magiging maaksyon ito ay matatawa ako.

Nobody would have predicted this.  Specifically to the people who lost their lives in the process.  Ang lungkot ko talaga.

It was a night to forget.  A nightmare to be exact. Ang daming nangyari at madami din kaming natuklasan ni Deanna.

My mind is still in limbo. Maga pa ang mata sa kaiiyak, mabuti at nandito lang sa tabi ko si Deanna. She didn't leave my side after that shot of Alex and she's holding my hand all the time.

I was so happy to see her kahit na ganun ang sitwasyong nadatnan nya kanina.  Napaiyak na naman ako.

"Don't cry na Love.  I'm here and I won't leave you anymore.  You are safe now." sabi nya sabay halik sa noo ko.

"Thank you asawa. Kundi dahil sayo, wala na siguro ako." I replied.

"Don't say that. Smile na, please. I love you." she said.

"I love you." I said.

Tahimik na kaming pumasok sa loob ng police car dahil kailangan pa nilang kunin ang statement ko tungkol sa nangyari. Ayaw nga sanang pumayag ni Deanna pero ako na ang nagsabi na tapusin na ito bago umuwi.

Nakasunod sa amin ang mga kaibigan namin. Hindi nila kami iniwanan. Sabi nga ni Kyla, we are staying for you guys. Nakakataba ng puso na may mga kaibigan kang ganyan.

Kahit walang nagsasalita sa amin ng asawa ko, we both know now na ang ugat ng lahat ng kaguluhang ito ay dahil sa anak namin.

It's all about our daughter, our Chelsea.

I was glad that they located me agad, thanks to the quick thinking of Bea. She saved a lot of time by calling her connections too. Hindi ko alam kung anong nangyari na sa akin ngayon if Bea didn't help.

Yes, they brought me in Cabuyao, Laguna. Dito ako dinala ni Alex sa utos na rin ni Amber. Hindi sila nag isip na mas lalo pala nila itong ikakapahamak sa huli.

May negosyo pala si Mr. Delos Santos doon sa liblib na lugar na iyon.  Ang mga warehouse ay maliliit, pang small time lang kumbaga.  Walang maghihinala o magiisip na may kakaibang nangyayari sa loob. 

Sino nga naman ang mag aakala na may itinatago silang illegal activities doon. Pero tadhana na ang nagpasya. Akalain mo, it's only because of this unfortunate incident that they were found by the police accidentally.

Ang nakalagay sa business permit ni Mr. Delos Santos is for buying and selling fish nga pero iba ang natuklasan ng mga operatiba. They found drugs sa warehouse, oh lala.

They took pictures of all the things they found inside pati na rin yung nasa kabila.  Madami pala syang inuupahan na mga containers dito. 

Patay ka ngayon Mr. Delos Santos. Sobrang dami ng kasong haharapin mo ngayon. Tignan natin kung makakalabas ka pa ng kulungan nyan.

Maybe you are all wondering what happened during the bloody encounter among us.  Well, masasabi ko lang ay sobrang swerte ko talaga ng gabing iyon. 

I feel like someone helped and watched over me para hindi mapahamak sa kamay ni Alex.

After kong magtext kay Deanna, I tried waking up Sam pero talagang hindi na sya gumagalaw. I still hoped for the best though, na buhay pa sya.  I tried checking for her pulse but without any knowledge on first aid treatment, alam kong it's useless din.  Baka mas mapahamak pa sya kung gagalawin ko.

Forever Yours ( Book 3 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon