Chapter 41 - True Colors

5.1K 188 84
                                    


Jema.

Bakit parang hindi mapakali itong si Deanna simula nung dumating si Amber?  She's just looking at her and only talk when we ask her something.  Ayaw nyang mag initiate ng conversation. Very quiet ang asawa ko.

Akala ko pa naman she will interrogate Amber dahil nga sa nangyari sa akin noon. But I was wrong, seryoso lang itong nakikinig sa amin. Pinabayaan nya akong i-tour sa house si Amber.

Pagbaba namin, she's still in a sulking mood. Anyare?

Ahhhh, alam ko na, maybe it's because of the flowers na bigay ni Amber kanina.  Eh natural lang naman na magdala ng something pag pupunta ka sa isang bahay di ba?  Lalo na kung first time mo tapos inimbita ka pa to have lunch ng dinalaw mo.

Pero bulaklak ang dala nya, Jessica.

Bakit ba kasi ako binigyan ng bouquet of yellow roses ni Amber? Wine na lang sana eh di natuwa pa si Deanna, char.  Baka nagseselos ang asawa ko pero bakit naman sya magseselos?  Walang dahilan para magselos at saka hindi ganun kakitid ang utak ng asawa ko.

Sa ayos at tindig pa lang ni Amber mukhang straight naman ito.  Siempre boys ang type nya, di ba? Alangan girls, huh. 

Aha, you're checking her out!!

Well, sa tingin ko lang naman. I might be wrong. Naku mali na ito, I'm judging her na tuloy.  Si Deanna kasi, nahahawa na ako sa mood nya.

Seriously, ang seryoso ni Deanna Wong.

Paulit ulit, Jessica?

"Baby Joaquin is such a cutie.   Definitely a heart breaker paglaki nya.  Magtago na yung mga girls sa kanya dahil siguradong marami syang paiiyakin." Amber said as soon as we settled sa lounge.

We went to the nursery room kanina and she saw Joaquin while asleep. Gusto nya nga sanang kargahin pero pinigilan ko. Sabi ko huwag gisingin. Ang hilig nya sa bata, katuwa. Biniro ko nga na mag asawa na sya para magkaroon na sya ng baby din, aba tinawanan lang ako.

"Pano mo nasabi?" tanong ni Deanna sa kanya.

Amber didn't reply instantly, she just took a seat opposite Deanna. Nag cross leg sya sabay ngumiti sa amin ng asawa ko.

"Your son is so good looking, kahit baby pa lang kita mo na yung hitsura. I'm sure that he will grow up like a heartthrob and I won't be surprised kung madaming babae ang magkakagusto sa kanya at iiyak sa kanya. Do you agree?" diretsong tanong nya kay Deanna.

Hindi naman sumagot si Deanna.

"Hala, hindi naman siguro. I believe na kapag pinalaki mo ng maayos ang bata, hindi sya manggugulang ng kapwa nya.  Hindi sya gagawa ng masama much more sa mga babae pa.  Bad yun." sagot ko.

"Ako mismo ang magiging kaaway ni Joaquin kapag magiging playboy sya.  Dahil parehas kaming babae ng Dada nya, he should respect women in the same degree as he respects men." I added further.

Wow, saan nanggaling yun?

Pero parang nobody is listening to me dahil yung dalawang kausap ko ay tahimik lang. Umubo na lang ako to get their attention.

"Omg, you're taking it literally Jema.  I'm just saying a quote "a born heartbreaker", have you heard that? You know what I mean di ba?" she asked me instead.

Tumango tango na lang ako sa kanya. 

Napunta ang usapan sa bahay namin. Ang swerte ko raw kaya sabi ko magkakaroon din sya ng ganitong bahay pag nakilala nya na ang forever nya.

Forever Yours ( Book 3 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon