Chapter 50 - Life And Death

5K 219 181
                                    


Deanna.

I didn't find Jema outside.  I even walked up to the area where we parked our car.  Sabi nya kay Bea may kukunin lang sa kotse.

Jessica, nasaan ka na? Kainis naman yun hindi man lang nagpapaalam. O baka naman nasa loob na sya. Nagkasalisi yata kami.

Sana nga, Wong.

I went inside the bar again. Mas marami na ang tao ngayon kaya nahirapan akong hanapin ang grupo namin. I checked the time, almost midnight na rin pala.

Ang usapan namin ni Jema hanggang 12 lang kami dito.  Ipapasyal namin ang mga bata bukas sa park. Hindi kami pwedeng magpuyat.

Nakita ko ang three angels palabas ng restroom kaya tinawag ko sila.

"Nakita nyo ba si Jema?" I asked.

"No, boss Deans. Di ba she's with the other group kanina while we're playing pool." Jia answered.

"She was at the bar before we get separated." I said.

"Yeah, I saw her nga doon.  Kausap nya yung mga taga Accounting." sabi ni Kyla.

"That was a long time ago.  Siguro naman lumipat na sya ng upuan.  Maybe she's with ma'am Amber.  Nawala na rin kasi ito just like Sam." Michelle replied.

Medyo nawala yung tama ko sa nainom na apat na beer sa narinig. Napalitan ito ng kaba na ngayon ko lang naramdaman. Napansin yata ito ng tatlong angels kaya naging seryoso na rin sila.

Hindi ko na nga nakita si Amber, pati si Sam.  Then Jema also  disappear.  Is it just a coincidence o magkakasama na silang tatlo ngayon?  Bakit naman sasama si Jema sa kanila? 

Maybe Jema's investigating them, Wong.

Baka nga may nadiskubre si Jema about those two tapos sinundan nya pero kabilin bilinan ko sa kanya na huwag gagawa ng anumang hakbang ng hindi ko alam.

"Shit." biglang sabi ko.

"Easy boss, lasing ka na yata." sabi ni Kyla.

"Have you tried contacting her like texting or calling her? Baka naman nandito lang sya." Michelle said.

I remembered checking my phone nga earlier but wala nga syang text sa akin. Kinuha ko agad ito from my pocket and I tried calling her pero out of the coverage area ang cellphone nya.

"I can't reach her." sabi ko sa kanila.

"Nandito lang yun sus. Namiss mo naman na agad boss Deans. Tara hanapin natin ang taong hindi naman yata nawawala." natatawang sagot ni Kyla.

"Hanapin ang taong hindi nagpapahanap yata ang tama. Ah ewan ko sayo Kyla hahaha." Jia added.

"Why don't we go different ways para hanapin si ma'am Jema. We will meet each other here again, let's say after 5 minutes." Michelle suggested.

"Korek. Lakad lakad muna para ipagpag ang tama. Then uuwi na tayo after. Is that okay boss Deans?" tanong ni Kyla.

Tumango ako.

"Huwag masyadong paranoid ah. Hinga ng malalim boss." sabi ni Jia sabay tapik sa likod ko.

Medyo kumalma ako. Buti na lang nandito ang tatlong paborito kong staff. Nagsimula na kaming maghanap kay Jema.

Hay naku, Wong. You're wasting a lot of time.

After almost 3 or 4 minutes ay nandun na uli kaming apat sa parehong spot.  Lahat kami ay bigong makita ang asawa ko huhu.

Forever Yours ( Book 3 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon