Chapter 5 - Kiss and Make Up ⚠

10.9K 285 212
                                    


Deanna.

Thank you, Lord. 

Nagkabati kami agad ni Jema.  Mabuti na lang at may mabait akong asawa na mabilis magpatawad.  Ang swerte ko, hay.

Kaya next time, I'm gonna be calm na talaga.  Dapat magbibilang muna ng 1-10 bago magsalita, para wala akong masabi na pagsisisihan sa huli.

Biruin mo, ako ang may kasalanan pero nagso-sorry din sya.  Bilib na bilib na talaga ako sayo, Love.

Promise talaga, hindi ko na uulitin iyon.

Ginagawa yan, hindi sinasabi, Wong.

Jema went to the cabinet and get a cup to make my coffee.  She didn't forget pa rin na ipagtimpla ako.  Ang sweet nya, di ba?

Eh kasi bati na kayo, kanina gusto nyang ibuhos sayo ang kape.

That's her daily routine pero once na hindi niya na ginawa, matatakot na ako surely. 

"Thank you, Love." I said pagkabigay nya sa akin ng kape.

"You're welcome.  Dali inumin mo na para magkaroon na nang laman yang sikmura mo.  Lumaklak ba naman ng alak, hay naku.  Kung di lang talaga kita......" she replied.

Ngumisi naman ako sa kanya.  Concerned talaga ang misis ko.  Alam nyang marami akong nainom kagabi kaya I really needed coffee to wake me up.

"Opo, eto na iinumin na kita este yung kape." mahinang bulong ko sa kanya.

Kurot ang inabot ko sa misis ko.  Carińo brutal, numero uno.  Pero okay lang, kurot ng pagmamahal naman iyon.

"Ako na kasi dapat ang magtimpla ng kape mo, boss Deans.  Mas sweet at mas masarap ito compared sa timpla ni ma'am Jema, swear." sabi ni Manang.

I gave Manang a stare down.  Telling her to back off.  Kulit ever.

"Oo nga, baby.  You should try also the coffee of Manang.  Paano na kung wala ako dito sa bahay, sino magtitimpla ng kape mo?" tanong ni Jema.

"No, thanks.  Hindi ko yata maiinom ang kape pag si Manang ang nagtimpla, baka may gayuma." sagot ko.

"What?  Oh gosh, wala pala kayong tiwala sa akin, boss Deans?  Ang sakit nun.  Mas masakit pa sa break up namin ng jowa ko." sabi ni Manang.

"Weee, talaga?  As far as I know,  wala ka pa namang nagiging jowa!!!  Hahaha." sagot ko.

"Boss Deans, anong akala mo sa akin, NBSB?  Hindi mo naitatanong pero sasagutin ko na rin.  I had a  boyfriend na kaya kaso nakawala, hmmp." sabi ni Manang.

Sabay pa kaming natawa ni Jema sa kanya.

"E di maghanap ka uli ng bagong jowa." sabi ni Jema sa kanya.

"What's jowa, Dada?" Chelsea asked.

Patay na!  How do you explain it to a 5 year old child?

"Ah, baby Chelsea, why don't you help Mummy and get the apron so we can start already.  Yes?" sabi ni Jema sa kanya.

"Of course, Mum.  Let's start." excited na sagot nya.

Inirap irapan ako ni Manang.  Nag belat naman ako sa kanya pero hampas ang inabot ko kay Jema.

"Uy, umayos na kayong dalawa kung ayaw ninyong pag umpugin ko kayo." sabi nya.

"Bakit ako?  Eh si Manang ang nagsimula." reklamo ko.

"Ikaw kaya nauna, boss Deans." sabi naman ni Manang.

"Titigil o titilapon ang kutsara sa inyo?  Pili kayo!" seryosong sabi ni Jema.

Forever Yours ( Book 3 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon