Chapter 44 - Embarassing Confessions

5.3K 210 85
                                    


Deanna.

"By the way, I prefer the way Jema kisses me than you Deanna." Amber said before disappearing from our view.

Nagkatinginan kaming mag asawa.

"Fuck!!" me and Jema said in unison.

Namutla si Jema pagtingin ko sa kanya. Hindi sya makatingin ng diretso. Bakit parang guilty ang asawa ko? Ganun din sigurado ang hitsura ko ngayon, it seems like I'm looking to myself at the mirror.

Oh my God, andami kong tanong sa ngayon. Andaming scenarios ang naglalaro sa isip ko.

"What did she just say?" I asked after getting over the initial shock of Amber's statement.

Bingi bingihan lang tayo, Wong?

"Ahhhhh, I don't know asawa." mabilis na sagot ni Jema.

Isa pa itong si Jessica.

"That woman is crazy.  Makakatikim sa akin ang babaeng iyon." I said and was about to go after Amber but Jema stopped me.

Naka ready na yung kamay ko para manapak ng tao.  Pero hindi ako bayolenteng tao kaya ibinuka ko uli ang kamao ko.

"Please, don't. Hayaan mo na sya asawa tutal umalis naman na." Jema said.

Doon nagpanting ang tenga ko.  Hahayaan ko na lang? Anak ng pating. Feeling ko si Amber pa ang iniisip ni Jema instead of me.  Hindi nya ba talaga narinig ang sinabi ni Amber?

"Why? Bakit mo ako pipigilan? Binastos na tayong dalawa sa mismong pamamahay natin tapos "please don't" ang maririnig ko sayo?" medyo tumaas ang boses na sagot ko.

"Ssshhh baka marinig tayo ng anak mo." sabi nya.

"I don't care. Baka nga samahan pa ako ni Chelsea para palayasin ang Amber na yun." mariing sabi ko.

"Hindi naman na yun makakabalik pa dito." sabi nya habang nakahawak sa braso ko.

I looked down at her hand.  She's holding me tight, mukhang walang balak itong bitawan at hindi nya ako pakakawalan.

Okay, okay. Inhale, exhale. Pagkatapos ay huminga uli ako ng malalim.  Kailangan kong kumalma because I want to know the truth.

"Tell me that she's lying, Love." I asked while looking directly at Jema's eyes.

Halos magka level kami ngayon kaya hindi sya makakaiwas sa tingin ko.  Nagkatitigan kami.  Hindi sya sumasagot sa tanong ko.

"Jema, totoo ba ang mga sinabi ni Amber? Na mas masarap ang halik mo kesa sa akin?" halos bulong na lang na tanong ko.

Parang umamin ka na rin nyan sa tanong mo, Wong.

Aamin naman na talaga ako sa asawa ko. No need to prolong the agony ika nga.

I'm holding my breath, anticipating and hoping that Jema will say NO.  That Amber is indeed a lying cow and a bitch.  Na hindi totoong nahalikan na rin sya ng babaeng iyon.

To my disappointment, Jema didn't answer me instead she slowly lowered her eyes na parang maiiyak na.

Napasinghap ako dahil feeling ko nawawalan ako ng hangin sa dibdib.  Namamanhid din ang buong katawan ko.

Pero ibinalik nya ang tanong sa akin.

"Tell me too that she's lying about kissing you. She's making it up, right? She's fabricating stories so we will fight, right? Answer me too, Deanna." medyo garalgal na ang boses na sabi nya.

Shit.

I don't want to answer her right now because I know that it will hurt her. Pero hindi pepwede na ipagpaliban ko pa ito.  Dapat malaman nya na ang totoo dahil karapatan nya yun bilang asawa ko.

Forever Yours ( Book 3 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon