Chapter 26 - The Baby

6.8K 230 331
                                    


Jema.

After dropping Chelsea sa piano lesson nya, I instructed Kuya Rommel to go to the mall kung saan nandoon ang shop ni Ms. A. C.

Nakatingin lang sa akin si Manang habang sinasabi ko ang address kay Kuya.

"May titignan lang ako doon sandali kaya hintayin mo na lang kami sa sasakyan ni Manang." sabi ko.

"Opo, ma'am Jema." sagot nya.

"Ma'am, sorry to interrupt but you said earlier that we will go home straight away.  Why are we having a detour?" Manang asked.

Naks naman si Manang, Englisera talaga.

Wait lang ha.  Tama ba na kwestyunin ako ni Manang sa mga desisyon ko?

Char.  Oo naman, nagbibiro lang ako.

"I just wanna check the actual furnitures that I want to order from the shop. Mga baby stuff since malapit na lumabas si baby.  Sasamahan mo naman ako kaya you don't have to worry." I replied.

"We have to inform boss Deans." she added.

Mygad, ang hirap naman lumusot kay Manang.  Daig pa ang asawa ko kung umasta ah.

"But I already called her earlier.  She knows I'm outside.  Alam nya na sumama ako naghatid kay Chelsea kaya there's mo need to call her again.  Busy yun sa work, no need to disturb." I said.

"Pero kahit na anong busy po nya eh I'm sure may time sya to answer her wife's call." sabi pa ni Manang.

Tama.  May tama si Manang.  Pero malamang sa malamang, Deanna will not let me go to that shop na.

"Hey, Manang, huwag masyadong nega kasi.  Ako ang bahala sa asawa ko."  I replied.

She was about to say something pa rin pero pinigilan na sya ni Kuya Rommel.

"Edna, huwag advance mag isip ha.  Pagbigyan na natin si ma'am Jema makapamasyal kahit sandali." sabi nya.

Natahimik bigla ang lola nyo, hahaha.  Si Kuya Rommel lang pala ang katapat nya.  Ayiee, I smell something fishy ah.

Binata pa naman si Kuya Rommel at dalaga si Manang Edna. Walang masama.

Naalala ko si Deanna. Magagalit kaya ito kung hindi ako magpapaalam sa kanya?

Pero nagpaalam na ako kanina sa kanya. I called my babe, but she's on the phone according to Kyla. Nagbilin na lang ako sa kanya na sabihin ito kay Deanna.

So, technically hindi ka nya pinayagan pa?

I'm sure nalaman nya na ito through Kyla.  Eh di sana tumawag na sya sa akin kung ayaw nya akong payagan, di ba?

"Okay po ma'am, sorry naman na for being so protective pagdating sa inyo. Kung ako tatanungin, gusto ko rin na lumalabas kayo ng bahay pa minsan minsan. Mas okay lang talaga sana kung kasama natin si boss Deans." paliwanag ni Manang.

Wow, super mag alaga talaga itong si Manang. She really take care of me and my family.  Lagi syang nandyan at napaka reliable talaga nya.  Kaya labs na labs ko sya.

Bibigyan ko uli ito ng increase, char.

"Thank you po Manang sa concern. I know that you meant well and you are just after my welfare and the baby. Di bale, ililibre ko kayo ni Kuya mamaya bago tayo umuwi." sabi ko.

"Ay, like ko yan Ma'am." sagot ni Manang.

Nakarating naman kami agad sa mall.  Naiwan na nga sa kotse si Kuya Rommel at umakyat na kami ni Manang through lift, papunta ng level four.

Forever Yours ( Book 3 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon