Chapter 32 - The Treatment

6.3K 203 55
                                    


Deanna.

After learning about Jema's PND, tinawagan namin agad ang family nya pagdating sa bahay.  We told them about Jema's condition.

Nag alala sila siempre lalo na si Mama Fe pero ipinaliwanag namin na willing naman si Jema magpagamot and besides it's curable.

"Anak, nandito lang kami nila Mama at kapatid mo. If you need us to be there, pupunta kami. Isang tawag mo lang, darating kami." sabi ni Papa Jess.

"Thank you, Pa. Huwag kayong masyado mag alala at kayang kaya ko naman ito dahil nandito si Deanna sa tabi ko." sagot ni Jema.

Ang sarap pakinggan, Wong.

"Yes, po.  I'm always here naman, hindi ko pababayaan si Jema." I told my in-laws.

"Pero nagtatrabaho ka, Deanna. Kailangan mo rin itong bigyan ng oras. Tapos si baby JD ay kailangan nya ng mag aalaga.  Paano mo gagampanan lahat ng mga ito?" Mama Fe asked.

They're right, we need someone to look after baby JD habang nagpapagamot si wifey.

"Oo nga po pala.  Maghahanap po kami ng pansamantalang taga alaga ni baby JD habang nagpapagamot ako." sagot ni Jema.

Hay salamat, pumayag na rin syang kumuha ng baby sitter.

"Naku, maghahanap pa sa malayo eh nasa harap nyo na ako.   I can baby sit para sa apo ko.  Ano naman yung isa o dalawang buwan akong tumira dyan muna.  Payag naman si Mahal, di ba?" sabi ni Mama Fe sabay tingin sa biyenan kong lalake.

Nagkatinginan kami ni Jema.  We are crossing our fingers.  Sana pumayag si Papa Jess. Mas kampante kami kung sya nga ang titingin muna kay Joaquin.

"Eh siempre mami-miss ka namin ni Mafe pero okay lang kung para naman sa apo natin." sagot ni Papa Jess.

"Wow, that's great.  Hindi kami tatanggi ni Jema sa alok ninyong tulong, Ma." I replied.

"Sure ka Ma?  Baka nabibigla ka lang?" tanong ni Jema.

"I'm sure, anak.  Para naman sa inyo at sa apo namin ang gagawin ko. Basta magpagaling ka agad ha.  Huwag matigas ang ulo." Mama Fe said.

"Yes, Ma. Behave na po ako, promise." sagot ni Jema.

"Yes!!!  I'll pick you up po tomorrow morning." sabi ko agad baka magbago pa isip nya, haha.

"Okay, I'll see you tomorrow, anak." she responded.

One problem solved.

Maaga akong umalis ng bahay kinabukasan dahil dadaan muna ako sa opisina.  After making sure with Kyla that everything is under control sa office, I traveled to Laguna.

Pinagbuksan ako ni Papa Jess ng gate when my car is approaching. Nagmano ako sa kanya pagkababa ko ng sasakyan.

"Good morning, Paps. Mano po." bati ko sa kanya.

"God bless you, Deanna. Mabuti naman at safe kang nakarating dito sa amin. Kaaalis lang ni Mafe, sayang at hindi mo naabutan." sabi nya.

"Uuwi sya ng lunch kung may time daw si Deanna mananghali dito.  Para magkita naman sila kahit saglit." sabi ni Mama Fe na nasa likod ko.

Nagtuturo si Mafe sa isang private school na malapit sa bahay nila.

Magmamano sana ako kay Mama Fe kaso bigla nya na akong niyakap.

"Salamat, Deanna." naiiyak na sabi nya.

"Naku wala pong iyakan, Ma. Saka bakit kayo nagpapasalamat sa akin?" I asked.

Forever Yours ( Book 3 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon