Chapter 42 - Sweet Revenge

4.9K 203 130
                                    


Deanna.

"Ano naman ang problema doon?  It only shows that she is a family oriented person." sagot ni Jema.

Ipinagtatanggol pa talaga sa akin ng asawa ko si Ambertot.  Porke mahilig sa bata eh family oriented na.  Pano kung kidnapper pala sya?  Naku, baka member ng puting van group ang babaeng ito. Pero hindi e, ganda ng kotse nya sa labas.

Jema looked at me na parang nagtataka sa pananahimik ko.

"Okay, given that she is like that nga na family oriented but I'm still not convinced.  Why would she be so interested to be friends with us, especially sayo?" I asked.

"Ha? Pano mo nasabe na sa akin lang sya interested?  Siempre pati na rin sayo.  Ayaw mo bang magkaroon ng maraming friends? Ang bait bait ng tao eh.  Give her a chance, please." she answered.

"Hindi sa ayaw, we can have as many friends as you want as long as kilalanin muna natin sila ng mabuti. Huwag masyadong magtiwala agad agad." paliwanag ko.

"Oo nga pero ibahin mo naman si Amber.  Tingin ko she's a good person." she replied.

"Aha, nag I Therefore Conclude ka na sa kanya ng hindi tinatanong ang opinion ko.  Wala na ba akong karapatan magbigay ng saloobin ko?" I asked.

"My god, ang OA mo ngayon, Deanna.  What's your take on her, then?  Tell me, so I know." nakasimangot na sabi nya.

Aba, Deanna na ang tawag sa akin ni wifey. It means she's ready to make war sa akin. Like challenging me, ganun.

But I will still try to stay calm. Ayaw ko na mag aaway kami dahil sa bwiseta namin. This is not the right too to have an argument kung parehas ng mainit ang ulo namin. Magsasabong kami nito.

"Something is not right, Jema. Yung mga tingin din nya sayo ay kakaiba, ayoko. I felt uneasy, para kasing hinuhubaran ka na nya.  To think that I'm here, your wife. Alam nya na hindi ka na available." mahinahong sagot ko.

"Aysus, lumabas din ang totoo sayo asawa. You're jealous of Amber. Why? Wala kang tiwala sa akin? After all what we've been through ay magda doubt ka pa sa pagmamahal ko sayo? That's not good, not good at all." she said.

"I'm not." tipid na sagot ko.

Bigla akong nainis dahil naalala ko yung bulaklak na dala ni Amber. Itatapon ko agad yun mamaya. Bwahaha.

"You are obviously, look at yourself. Hindi ikaw yan, asawa. Besides, Amber is straight. Friendship lang ang habol nya sa atin." sabi nya.

Natawa ako ng walang tunog kaya napakunot ang noo ni Jema. Straight daw oh.

Kung alam lang ni Jema ang panghahalik ni Amber sayo, Wong.

"How sure are you that she's straight nga, aber?" tayong ko.

Hindi sya nakasagot agad. 

"See?  Hindi ka makasagot ngayon. Lahat ng taong titingin ng kakaiba sa asawa ko siempre I won't trust them. Like Amber, she's hiding something.  Open your eyes, Jema." I explained.

"Noooo. You should open your eyes, not me." sagot nya.

"Damn. Ako pa ang dapat mag adjust?" I sarcastically asked.

"Behave ka nga dyan baka marinig ka." sabi pa nya.

I just kept quiet, wala namang mangyayari kasi hindi na nakikinig sa akin si Jema. Uminom na lang ako. I saw Jema checking her watch.

"I'll go and check on our guest baka kasi may nangyari na doon."  Jema said sabay tayo.

I didn't answer kasi naiinis ako, hindi sa asawa ko kundi sa sitwasyon namin ngayon. May problema na nga sa kumpanya, dumagdag pa ito.

Forever Yours ( Book 3 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon