Chapter 20 - Grateful

6.6K 224 123
                                    


Jema.

Congratulations, Mrs. Wong!!! It's positive." the doctor told us.

"Yessssssssssss!!!!" sabi ni Deanna agad sabay harap at yakap sa akin.

"Thank you, Lord. Thank you, Doc." sabi ko naman habang tulala pa.

Tapos bigla na lang akong nasa ere. Lumilipad na ba ako?

Omg, omg. I can't believe it pero binuhat na pala ako ni Deanna kaya I felt na sure na nga.  Na totoo nga yung mga narinig ko kay Doc.

I am PREGNANT. Nabuntis na din ako sa wakas.  Yesssssssss!!!

Malakas din pala kamandag ni Wong.

"Thank you, Lord." nasambit ko uli.

I am so over the moon.  All the hard works, sacrifices  and efforts that we made has paid off. We did it, mygad!  Gusto kong sumigaw pero nakakahiya naman dito sa Australyanong Doctor.

I have another heartbeat inside my tummy. 

Wooo, it's too early to say heartbeat yata.

A little one that will grow into a person, a human being.  Ang magiging anak namin ni Deanna. Bunga ng aming pagmamahalan.

Nagyakapan pa kami ng mahigpit pagkatapos nya akong ibaba na.

Hindi ko maiwasan ang maging emotional.  I cried talaga. Pati si Deanna nahawa na yata pero pinigilan nya. Di bale, happy tears naman ito.

We're happy too for both of you, Mrs. Wong.

Masaya kaming umuwi ng Pilipinas. Our family were elated sa news ng aking pagbubuntis. Nagtatalo na nga sila sa ipapangalan namin sa baby.

Akalain nyo yun, mas excited pa kesa sa aming mag asawa.  Atat lang ang peg.

Pagbigyan nyo na at first apo nila yan. Oppps, second apo pala.

"Anak, congratulations sa inyong dalawa ni Deanna. Hindi ninyo alam kung gaano nyo kami pinasaya. Sana babae yang anak ninyo at magmana sa inyo na maganda." sabi ni Mama.

"Ah hindi ako papayag dyan, Mahal. Gusto ko lalake para mana sa akin na guapo." sabi naman ni Papa.

"Ma, Pa, wag na kayong mag away baka kambal yang anak nila, babae at lalake, doble agad." sabat naman ni Mafe.

"Babae". sabi uli ni Mama.

"Lalake." sabi naman ni Papa.

"Pustahan pa tayo kung gusto ninyo." sabi ni Mafe.

At ayun nga hindi na sila tumigil sa kantyawan kung sino ang mananalo sa pustahan nila. Natatawa na lang kami ni Deanna.

"Huwag kang masyadong mag trabaho lalo na ng mabibigat, anak. Huwag magpupuyat at bawal ng uminom ng alak." bilin ni Mama sa akin.

"Deanna, ikaw na ang bahala sa anak namin ha. Pagalitan mo kung matigas ang ulo o pasaway." dagdag na bilin ni Papa.

"Yes po, akong bahala sa kanya." sagot naman ni Deanna.

Luh, parang wala ako dito kung mag usap ang tatlo.

Invisible ka muna, Jessica.

"Alam ko ang tagal ninyong hinintay yan pero sana naman ay huwag ninyong mapabayaan si Chelsea. Baka kasi masyadong matuon ang pansin ninyo sa bagong baby." sabi pa ni Mama.

"Oo naman po, we won't neglect Chelsea. Mas lalo nga namin syang mamahalin at aalagaan because she's our lucky charm kaya." sagot ko.

"Tama yan anak, huwag na huwag ninyo syang kakalimutan." pahabol ni Papa.

Forever Yours ( Book 3 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon