Jema.What the heck? Ang ganda ng simula ng evening namin kanina. Bakit napunta sa away?
I'm crying pa rin up to now. Hindi man lang ako sinundan dito sa taas ni Deanna.
Ang lakas ng loob ko mag walk out kasi alam ko susundan nya ako pero hindi pala. Umasa ako, alam nyo yun. Saklap naman.
Anong oras na ba? I lazily checked my phone. It's almost midnight na pala. Deanna is not here beside me. Mukhang walang balak tumabi sa akin ah.
Bahala ka sa buhay mo, Wong.
Naiyak talaga ako sa reaction nya kanina. First time nya akong sinigawan at pinagbagsakan ng baso. May mali ba sa sinabi ko?
I still can't believe na ganun ang isasagot nya sa akin. I was hurt, deeply hurt. Bakit pumasok sa isip nya na wala akong tiwala sa kanya? Isinama pa talaga nya ang pera sa usapan. Where did that come from?
Simple lang ang gusto ko, ginawa nyang sobrang laki ng issue. I want to work again hindi lang dahil bored ako kundi para makatulong din sa kanya.
Paano kung maisipan naming magdagdag na ng member sa family? Dadami gastos siempre. Kaya I want to work habang pwede pa. But she didn't give me a chance to explain further why I wanted to work again.
Napaka negative nya masyado. Hindi ganun ang Deanna na kilala ko. Hindi ganun ang asawa ko.
Eh bakit nga naging ganun ang reaction nya?
Baka wrong timing talaga, baka wala sya sa mood, baka may problema sya. Too many maybe's.
Pero may pa-flowers pa nga syang ibinigay. At napansin pa yun ni Manang.
Ahhh, I remembered that she wants to tell me something also kaso naunahan ko sya. She was so happy before I told her my request.
Nagbago ito nung nasabi ko na.
Ano kaya ang gusto nyang sabihin sa akin? Yun ba ang dahilan kaya nagbago ang mood nya?
Aba, alamin mo, Jessica.
----------
I woke up with a slight headache. Himala, walang katawan na nakayakap sa akin. Bumaling ako sa aking kanan at idinantay ko ang aking braso expecting a body beside me pero wala. Bakit empty yata, nasaan ang katabi ko?
Then I recalled what happened last night. Nalungkot naman ako agad. Talagang hindi tumabi sa akin si Deanna kagabi. First time nyang hindi natulog sa tabi ko kahit nasa iisang bubong lang kami.
Saan kaya natulog yun? Hindi naman siguro umalis pa kagabi kasi nakainom na rin sya. Lagot sya sa akin pag nag drive ng lasing.
Nagpasya akong bumangon na at alamin ang nangyari sa asawa ko. Nagpunta ako ng bathroom and did my morning rituals tapos bumaba na rin para maghanda ng breakfast.
Dumaan muna ako sa room ni Chelsea para tignan at baka sa room nya natulog si Deanna. But she's not there and Chelsea's still asleep.
Saturday ngayon, it's our family bonding sa kusina. Nakagawian namin na tuwing weekend, we all participates in cooking our breakfast.
Favorite bonding time ito nila Chelsea at Deanna. Para lang kasi silang naglalaro. Natuturuan ko sila pareho kung paano magluto although si Deanna ay hopeless case na yata talaga. Up to now, puro laga lang ang alam nyang gawin.
I passed by the study room kaya huminto ako sa tapat nito. Dahan dahan kong binuksan ang pinto at nakita ko si Deanna na nakahiga sa sofa.
Dahil sa matangkad ito, medyo nakabaluktot sya doon. Lampas kasi ang paa nya. Mukhang giniginaw, she's hugging herself e. Wala nga palang blanket dito. Kawawa naman ang asawa ko.
BINABASA MO ANG
Forever Yours ( Book 3 )
RomantizmDeanna Wong. Jema Galanza. The couple, together with Chelsea, are now embarking on their journey as a family. However, life is full of surprises. Like any other marriage, they will encounter a lot of trials along the way. It's definitely not a...