Chapter 6 - The Woman

10.1K 240 199
                                        


Deanna.

Monday again, back to work na naman ako pero okay lang.  I'm happy and excited kasi papasok ako knowing na I'm working for my family.

Mi Familia.  Ang family ko na madadagdagan ng miyembro, yes!!!

Nagkausap na kasi kami ni Jema and of course, pumayag sya sa gusto ko na magkaroon na kami ng sariling baby.

Kaya eto, dapat kumayod ng doble.   Dadami na ang bibig na pakakainin.  Siempre I want the best for them.  So from now on, everything I do,  I will do it for all of them.

Kanta na yata yun ah.

But we haven't told anyone yet of our plan.  We have to talk first to a specialist doctor and select a clinic who will do the IVF procedure.  It might be here in the Philippines or abroad, wherever is convenient and the best.

When everything is good and ready then we can tell na our family.  Surprise kasi ang gusto kong mangyari.

Ayan ka na naman sa surprise mo, Wong.

Pasipol sipol pa ako na bumaba at dumiretso sa kusina.  Parang may extra spring ang sapatos ko sa sobrang liksi ng galaw ko.

As usual, nandoon na sila Manang and Jema sa kitchen.

"Good morning, wifey.  Why is it that you seem to get more beautiful everyday?" bati ko kay Jema sabay kiss sa lips nya.

"At mas lalong nagiging papi ang asawa ko araw-araw.  Kaya lalo akong nai-inlab sayo." sagot ni Jema habang yakap ako ng mahigpit.

"Ayiee, ang aga aga ng mga langgam sa kusina.  O,  huwag kayong magtulakan ah.  Pila pila lang.  Makikita nyo rin ang mga idols ninyo, si boss Deans and ma'am Jema." sabi ni Manang na kunwari ay parang nagtataboy ng mga langaw sa lamesa.

Ha?  Lumilipad ba ang mga langgam?

"Love, may naririnig ka bang nagsasalita?  O guni guni ko lang?" pabirong tanong ko.

"Hay naku, kayong dalawa ha.  Ang aga aga para mag asaran.  Mamaya may mapipikon na naman sa inyo." sabi ni Jema sa amin ni Manang.

"Nah, love na love kaya ako ni boss Deans.  Ayaw nya lang aminin kaya idinadaan nya na lang sa mga biro." sabi ni Manang.

"In your dreams, Manang, hahaha.  Hanap ka na kasi ng jowa para hindi ka na mainggit sa amin ni Jema." sabi ko.

"Don't you worry, makakahanap din ako ng jowa.  Ako pa." sagot uli ni Manang.

"Ninong ako, kung may magkakamali sayo, hahaha." kantyaw ko pa kay Manang.

"Kayong dalawa talaga.  Sige, you have your breakfast na asawa ko, upo na.  Mamaya ma-late ka pa.  I'll make your coffee na rin." sabi ni Jema.

Umupo na ako para makakain na ng almusal na luto ni misis.  Sinangag, eggs, ham and longganisa yung nasa table.  Andami naman.

"You're trying to make me fat, Love." sabi ko.

"Hindi kaya.  Ayoko lang na magutom ambebe ko.  Gusto mo subuan pa kita?" tanong nya sabay abot ng kape ko.

Shocks, kinilig ako ng todo.

"Hala, gusto ko sana kaso may asungot sa paligid.  Huwag na baka mamatay na sya sa inggit, hahaha." sagot ko sabay lingon kay Manang.

"Ahhhhh, don't me, boss Deans.  Lalabas na nga ako at baka may masapok ako dito." inis na inis na sabi ni Manang.

"Hahaha, hahaha, peace po Manang." pahabol na sabi ko pa.

"Baby, tumigil ka na nga sa pangangantyaw kay Manang.  Kawawa na naman sayo." saway ni Jema.

Forever Yours ( Book 3 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon