Chapter 8 - Left Hanging

7.1K 234 194
                                    


Jema.

Ang papi naman ng asawa ko. Pinapanood ko lang sya ngayon. Nagbibihis na kasi sya at papasok na. May presentation sya today sa Bench. Eto yung big client na gusto nyang makuha.

Sana positive ang feedback today although sure na rin yan, si Deanna pa. Parang formality na lang ang gagawin nya.

Napansin ko kasi na medyo pressured sya this past few days pero ayoko namang magtanong baka masamain nya. But I can feel that she's not her usual self.

Puro trabaho na yata ang nasa isip ng asawa ko. Need yata ng lambing nito sa akin. Tagal na rin kaming hindi nag aano, opppsss. Sige, mamayang gabi, I'll surprise her.

"What are you thinking, Love?" tanong nya.

"Oh nothing, baby." sagot ko.

"Wala? Are you sure? Kanina ka pa nakatulala dyan, Love." she said.

"Tulala sayo kamo, ang papi mo kasi, lalo na today. Ano bang meron?" I replied.

"Ay kilig ako, wifey. Hmmmn, lagi naman akong papi ah. Kaya walang meron." sabi nya.

Walang meron? Anlabo huh.

Tumayo na rin ako at lumapit sa kanya. I folded neatly her sleeves. Naka black long sleeve polo shirt kasi sya and jeans.

Japorms na japorms ang asawa ko. Sigurado ako na madaming mapapatingin sa kanya. Ang sarap ikulong sa bahay, char.

Sa sobrang ganda at papi ng asawa ko, hindi talaga maiiwasan na may magkagusto dito. Pero dedma lang ako because I know that she loves me, may ring na nga di ba.

And during our one year naman as a couple, she didn't give me any reason to doubt her loyalty. Same with me. We are both confident of our love for each other.

Trust lang. In every relationship, pag wala kang trust sa partner mo naku walang pupuntahan ang pagsasama ninyo.

Wow, take a bow, Jessica.

Although, Deanna has a tendency to be swayed when she's vulnerable. I remembered yung naging past nila ni Katrina. She had a one night stand with her pero she was technically single naman that time.

So, that's different and not counted.

Okay, sinabi mo eh.

Iba naman na ngayon dahil kasal na kami at may Chelsea na tapos magkaka baby na kami. Kaya sigurado ako na kahit palay na ang lumapit sa asawa ko, hindi nya ito tutukain. Maglaway na lang sila, haha.

Ginawa mo pang manok si Deanna, manok na pula?

"What time ka uuwi mamaya, baby ko?" bulong ko sa tenga ni Deanna.

"Hindi pa ako nakakaalis ng bahay tinatanong mo na ang uwi ko?" natatawang sagot nya sabay yakap sa akin.

She gave my neck featherly kisses and small bites. Fuck, nagka goosebumps naman ako agad.

Napakapit ako sa mga kamay nya na nasa beywang ko.

"Hmmnn, bango naman ng wifey ko." sabi nya nung magsawa na sa leeg ko.

Bampira ba si Wong? Batman ata.

Pero hindi pa pala sya tapos. Napunta naman sa tenga ko ang mga labi nya.

"Miss na miss na kita, Love." bulong nya

Taragis, my knees are starting to feel like jelly.

"May kiliti ako dyan, baby." sabi ko pero hindi pa rin sya tumigil.

Forever Yours ( Book 3 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon