Chapter 30 - Surprises

6K 191 165
                                    


Jema.

Ang aga kong iniwan si Deanna sa bed.  It's only 5am kaya maingat akong lumabas ng kuarto namin.  I'll prepare a special breakfast for her. 

Breakfast in bed for my asawa, coming up.

Pambawi man lang sa mga atraso and shortcomings ko sa kanya lately. I just hope that she will appreciate it.

I checked on Joaquin first and saw that he is still sleeping.  Nakahinga ako ng maluwag.  Buti naman, makakaluto ako agad bago sya magising siguro.

Pababa na ako when I stopped. Hmmm, mukhang may nakalimutan pa akong gagawin pero hindi ko maalala kung ano yun. Alam nyo yun, yung may naisip ka tapos after 1 second, hindi mo na maalala ulit.

Ah eh hindi namin alam, Jessica.

I looked back at tumingin sa paligid ko. Inikot ko pa ang aking mga mata baka sakaling maalala ko ito by doing that. Then I saw Chelsea's room.

OMG, naku ikaw talaga Jema, sabi ko sa sarili ko.
I'm so forgetful na these days.

I completely forgot na may isa pa akong anak. Dali dali akong pumunta sa kuarto ni Chelsea. And there I saw her na nakabaluktot sa lamig kasi nahulog na sa sahig ang kumot nya. Kawawa naman sya.

I put the blanket on her at masuyong hinalikan sa pisngi. Namiss ko na si Chelsea lalo na yung bonding at kulitan namin pagdating nya from school. Pero busy kasi ako kay baby JD eh. I'm sure naiintindihan ni Chelsea yun, she's a smart kid.

Sana nga, Jessica, sana nga.

Hindi lang pala dapat kay Deanna ang gagawin kong breakfast, pati na rin kay Chelsea.

Pagdating ko sa kusina, tahimik pa at madilim.  Mga 530 pa pala ang gising ni Manang.  Si Kuya Rommel naman ay ganun din.

Kumuha ako agad ng large bowl at inilagay doon ang flour, baking powder, sugar and salt. Pinaghalo halo ko ang mga ito.

I opened the fridge and took some eggs, milk and butter.  Tinunaw ko muna ang butter sa microwave.  I put all the ingredients together in the large bowl and mixed it until smooth.

Tada, all ready for frying na ang aking pancakes pero sobrang aga pa para lutuin ito kaya itinabi ko muna.  I'll wait until they're awake tutal madali lang naman i-ready ito. Kunin ko na muna yung chocolate syrup na paborito ng dalawa.

I checked the fridge and cabinet but I can't find a single syrup, naubos na pala ito ng hindi ko alam.  I looked for an alternative sauce for the pancakes.  But to my surprise, there's no jam nor honey, pati peanut butter wala din.

Kasalanan ito ni Manang, tsk tsk.  It's her job to do the grocery list.  Kung ano ang mga dapat bilhin para dito sa kusina.  Di yata't napapabayaan nya na ito. Lagot ka sakin mamaya, Manang.

Paano kakain ng pancakes ang dalawa, hay.  Agad kong kinuha ang aking wallet at car key and lumabas ng bahay para bumili nito.

But the problem is, anlayo ng convenient store sa amin na bukas ng ganitong oras.  Pero nasa labas na rin lang ako, might as well go to the nearest 7-11 or mini stop shop.

Wow, I like the effort, Jessica.

========================================================================

Deanna.

Agad kong isinayaw sayaw si baby JD para tumahan. Kawawa naman mukhang antagal ng umiiyak. Kaso ayaw nyang tumigil, kinakabahan na ako.

Hinahanap nya siguro ang Mummy nya kaso wala naman sya dito. Pinuntahan na lahat ni Manang ang buong sulok ng bahay pero di nya nakita.  Mukhang nawawala nga si Jema.

Forever Yours ( Book 3 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon