Chapter 46 - The Truth

5.2K 189 113
                                    


Third POV.

"Hi, Dad. What's up?  Why the early call for meeting?  Pwede namang after lunch."  Amber said sabay upo sa chair na nasa harap ng table ng Dad nya.

He was about to answer but his phone vibrates kaya kinuha nya ito at binasa ang pumasok na message.

She looked around her Father's office.  It's still the same since the last time she was there.

Amber just woke up thirty minutes ago.  Had to hurry up to reach the office of her Dad.  Bigla kasi syang tinawagan at kailangang pumunta sa opisina nito. Knowing her Dad's patience, alam nyang hindi mo pwedeng paghintayin ito kundi lagot ka.

Hindi na nga sya nakaligo.  Naghilamos, nagbihis at nag take out na lang ng kape at pinaharurot na agad yung sasakyan.

Bihirang magkita, ang mag ama. Amber lives on her own pad.  Her father lives with his maid and driver dahil matagal na itong biyudo.

They usually talk on the phone, kung may kailangan I-discuss sa negosyo nila.  Pero ngayon ay personal meeting ang request ng ama nya.  That is why Amber knows that this meeting is very important. 

Iniisip nya nga kanina na baka may problema ang ama nya.  May sakit?  Mukha namang wala dahil okay ang pangangatawan nito. Ang hula nya ay may ipapagawa na ito sa kanya tungkol sa plano ng kanyang ama.

Napakunot ang noo ni Amber habang inaalala ang mga plano ng Tatay nya.  Hindi sya pabor dito pero napilitan lang syang sumunod dahil binantaan sya nito.

Natatakot syang mawalan ng mana dito at pulutin sa kangkungan kung sakali.

"Anak, glad you made it in time.  Yan ang gusto ko sayo, you are never late.  Just like me." sabi ni Mr. Lito Delos Santos pagharap nya kay Amber.

"Like father, like daughter nga di ba.  How are you Dad?  I miss you." Amber said sabay halik sa pisngi ng Tatay nya.

Her father just patted her shoulder.  Wala man lang isinukling yakap o halik sa anak. Nagkibit balikat na lang si Amber.  Parang sanay na sya sa ganung reaksyon ni Mr. Delos Santos.

Masyadong malamig ang pakikitungo nya dito o sadyang ganun lang ang ama nya? He doesn't show his emotions because he is a man?

Amber is not vocal about her suspicions but she felt that his Dad is like that because of what happened before.  Naalala nya ang kanyang ina.

Pinaupo ulit ni Mr. Delos Santos si Amber at sinabihang may mahalaga silang pag uusapan.

"I called you to discuss our next move against the Wong family." he said.

Napakuyom ng palad si Amber pero hindi ito napansin ng ama.

"Dad, are you still pushing for that?" Amber asked na umiiling iling pa.

"Yes. I already told you that. Whenever I start something, I always finish it. Makisama ka na lang sa akin tutal naumpisahan na natin ito. Apart from that, ikaw ay nasa loob na ng buhay nila." he said.

Amber can't do anything but to listen to what her Dad is saying. 

Ano nga ba kaugnayan ng mag ama kila Jema at Deanna? Bakit sila interesado sa pamilya Wong?

Si Luis Delos Santos na nakabunggo kay Jema noon ay kakambal pala ni Lito Delos Santos. Pero dahil sa kahirapan ng buhay ng mga magulang nila, nagkahiwalay silang magkapatid. Paano nangyari iyon?

Ito ay sa kadahilanang ipinaampon si Lito sa mayamang pamilya noong ito ay baby pa. He was registered as Lito Castro, alinsunod to the surname of his adopted parents. Dinala nila sya sa Amerika after ng elementary at doon na lumaki, nag aral, nagtrabaho at nagkapamilya.

Forever Yours ( Book 3 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon