Chapter 22 - The Cravings

8.4K 230 149
                                    


Deanna.

At lumipas nang mabilis ang panahon, nasa third month na ang tyan ni Jema pero hindi pa ganun halata. 

Nobody will notice it unless alam nila that she's pregnant.  Si Kris na best friend nga nya ay akala nagbibiro kami sa kanya, hahaha. 

We are having lunch with her right now. Biglang nagyaya kay Jema. Ayaw ko naman mag taxi si Love kaya sinamahan ko sya.

I'm super extra careful na pagdating kay Love, mahirap na ah lalo ngayon at buntis sya. I want to take care of her all the time. That's why I always make sure na kasama ko sya 24/7 if I can.

Ah wag naman at baka masakal sayo, Wong.

I just want to make sure na safe lagi sya. Pag nasa work nga ako, naka monitor ako sa kanya.

"Talaga bang buntis ka Bes? Para namang ganun pa rin ang katawan mo e.  Ang sexy pa rin.  Sana ganyan din ako pag mabuntis." nakangiting sabi nya sabay hawak sa tummy ni Jema.

"Ah, mag asawa ka muna kaya, Bes." sagot ni Jema sa kanya.

Sumimangot naman agad si Kris.  Mukhang hindi yata nag click dun sa guy na pinakilala nya sa amin.  What's the name of that guy na ba?

"Ano ba sikreto haha?  Baka naman hindi ka kumakain ng madami Bes.  Dapat doble na yung food intake mo dahil dalawa na kayo ni baby ang magko consume nito." sabi nya.

OA naman nitong si Kris, haha.  Iniba ang topic, ayaw mapag usapan ang non existent na love life nya.

"Huwag ka, anlakas kumain nyang Bes mo. Kung dati isang platong kanin lang nauubos nya, ngayon tatlo na, hahaha." I said while laughing.

At bigla na lang may dumapong kamay sa ulo ko.   Batok ang inabot ko kay Misis.  Sakit nun ah.

"Aray, grabe naman, Love." sabi ko habang hinihimas ang natamaang ulo.

Jema just ignored me and continued eating.

Hala, bakit dumadalas yata ang pananakit nya sa akin?  Kung dati rati she will kiss it to make it better, aba ngayon waley na.  Pinanindigan na ang pagiging carino brutal to the max ng wifey ko huhu. 

Baka napaglilihian ka nya, Wong.

Sa totoo lang, ang daming pagbabago sa kanyang ugali. Pero tiis tiis muna ako. I know naman that the sudden changes are because of her pregnancy.

"Anong tatlong plato ka dyan, Deanna.  Dalawa lang naman." nakabusangot na sagot ni Jema habang ngumunguya pa.

Ang cute nya pag naggaganyan.  Kaya lagi kong inaasar e. Kinurot kurot ko tuloy ang pisngi nya.

"Joke lang, Love. Kahit naman ilang plato pa ng kanin ubusin mo, you're still sexy. Pero kahit tumaba ka pa, ikaw pa rin ang Love ko." pacute na sabi ko.

Jema smiled sweetly at me. Kinilig yata hahaha. Buti naman, para i-kiss nya ako.  Kasi naman parang nakalimutan nya na akong lambingin.

"Yes, they say that it's possible not to notice yung physical changes of a pregnant woman up to 30 weeks. Like you, Bes. Hindi nga talaga halata pa." Kris said.

"Kris, may mga mood swings na yang best friend mo kamo. Ako nga ang lagi nyang nakikita, hay." I replied.

"At sino ang gusto mong tignan ko, yung kapitbahay natin?" mataray na tanong ni Jema sa akin.

Nakupo, back to being sensitive again ang wifey ko.  But I will let it pass na lang, buntis e.

"Hahaha. Behave ka nga muna dyan, Deanna." sabi tuloy ni Kris sa akin.

Forever Yours ( Book 3 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon