Jema.I woke up feeling empty, I searched for Deanna immediately. But I didn't see her beside me. Tinignan ko pa yung pinto ng bathroom at baka nandoon, pero madilim naman. It means, walang tao sa loob.
Ha, bakit wala siya sa tabi ko? Hindi pa yata umuuwi hanggang ngayon. I checked the time, almost ten na pala. Nakatulog ako ng konting oras pero feeling ko, umaga na.
Deanna's still outside somewhere. No text nor call na galing sa kanya. I feel sad na naman. I hope nothing bad happened to her.
Tumayo ako at lumabas ng kuarto. I went downstairs to drink some water. Bigla akong nauhaw.
Kumuha ako ng baso at binuksan ang fridge to get a pitcher of water. Umupo na rin ako at nagsalin sa baso. Halos maubos ko agad ang laman nito.
"Uhaw na uhaw, ma'am? Dahan dahan lang po, mahina ang kalaban. Baka malasing kayo agad nyan." sabi ni Manang.
Muntik ko ng ibuga palabas ang tubig dahil sa ginawa nya.
"Grabe ka naman Manang. Bigla na lang susulpot, gusto mong makurot?" sabi ko sa kanya.
"Sorry na po ma'am. Bakit kasi mukhang galit kayo sa tubig? Ininom nyo na parang may shortage ang Nawasa, hahaha." sagot nya.
Napangiti naman ako sa hirit ni Manang. Kahit papano, gumaan ang pakiramdam ko.
"Nainitan kasi ako sa taas, mukhang hindi gumagana ang air-con sa kuarto namin ni Deanna. Kaya ako bumaba para uminom ng tubig." I said.
Teka, bakit ako nag eexplain dito kay Manang? Baliktad na yata, as far as I know, ako ang boss dito.
"Bakit nga pala kayo nandito? Aba, late na, sleep ka na." sabi ko uli.
"I'm thirsty too, ma'am. I can't sleep, may insomnia na yata ako. Kaya magkakape sana ako." sagot nya.
Hahaha, gags talaga kahit kelan si Manang. Pero labs ko yan kasi napapangiti nya ako kahit malalim na ang gabi.
Pag mababaw ang gabi, hindi ka napapangiti?
Nawawala ang mga problemang nasa isip ko kahit pansamantala.
"Tara, magkape tayo para makatulog din ako." yaya ko sa kanya.
Hindi naman sya kumilos para magpainit ng tubig.
Langya, kape talaga para makatulog?
"Ah, I changed my mind na, ma'am. Besides, you're not allowed to have coffee. Bad influence pa ako ang lagay nyan. Magagalit si boss Deans." sabi nya.
Nag iba ang timpla ng mukha ko pagkarinig sa pangalan ni Deanna. Napansin yata ito ni Manang kaya umupo sya sa harap ko.
"Are you okay po madam? Parang ang lalim ng iniisip ninyo? Ingat po baka malunod kayo." sabi nya sabay peace sign sa kamay.
"Hay, kayo talaga Manang, puro biro. Si Deanna kasi, wala pa. Nag aalala ako baka napano na. Hindi tuloy ako makatulog." I said.
"Baka pauwi na sya, kayo naman masyadong praning mag isip, haha." sagot nya.
"Manang!!! Wala syang tawag or text man lang sa akin kung nasaan na sya. Last na text nya nung nasa bar na sila. That was around 7 pa. Anong oras na ngayon? Almost 10 o'clock na. Tatlong oras na syang hindi nagpaparamdam." mahabang sabi ko.
"Baka naman nag text, di nyo lang na-receive. Or walang signal, o kaya lowbat na. Or she's busy. Madaming dahilan pero hindi nyo pa malalaman sa ngayon. Tanungin nyo sya pag uwi nya kung bakit. Or tawagan ninyo ngayon. Tara tawagin natin." mas mahabang sagot nya.
BINABASA MO ANG
Forever Yours ( Book 3 )
RomanceDeanna Wong. Jema Galanza. The couple, together with Chelsea, are now embarking on their journey as a family. However, life is full of surprises. Like any other marriage, they will encounter a lot of trials along the way. It's definitely not a...