"Uy Gio, kaya mo ba akong ipasan?" Tanong ko sa bestfriend ko na nagdo-drawing sa blackboard. Recess namin at dalawa lang kami ang hindi lumabas para kumain.
"Oo naman, tara dine at ipapasan kita" sagot niya at sinenyasan akong lumapit sa kanya. Tumungtong ako sa upuan habang siya ay nasa harap ko ay nakatalikod.
"Baka hindi mo ako kaya 'a" natatawang sambit ko sa kanya at kinawit ko ang dalawang braso sa kanyang leeg.
"Kaya kita, ako pa ba" sambit nito. Bahagya akong tumalon para mas maabot ko siya. Nakapasan na ako sa kanya at nang magsimula na siya ng maglakad ay bumagsak kaming dalawa.
"Tignan mo, hindi mo naman pala ako kaya" natatawang sabi ko sa kanya at tumayo na kami.
"Ako na lang pasan mo" aniya at siya naman ang tumungtong sa upuan. Kumapit siya sa akin. Nang tagumpay ko siya ng maipasan at naglakad ako.
"Ikaw kaya ko, mas malakas pa pala ako sayo 'e" pang-aasar ko sa kanya at tumakbo ako palabas sa room habang pasan siya. Tawa kami nang tawa nang makabalik na kami sa room.
*end of flashback*
"Sayang friendship niyo" anang ng kaibigan ko na si Nani at humigop ng sabaw sa kanya cup noodles.
"Bakit naman?" Tanong ko sa kanya. Nani is my bestfriend since grade 8 at magdadalawang taon na kami.
"Syempre, kung hindi lang kayo nag away ni Gio, edi sana may boybestfriend ka" nakataas ang kilay niyang sabi. Kagat labi akong nakatingin lang sa kanya.
"Ako nanghihinayang sa friendship niyo 'e" dagdag nito. Parehas kami ng school na pinapasukan ni Gio this high school at ang malala pa ay kaklase ko siya. Hindi ko alam kung paano ko siya patutunguan, nakakailang.
"Bakit ka naman nanghihinayang?" Nakangusong tanong ko sa kanya.
"Gaga, ang sarap kaya ng may boybestfriend, 'di mo ramdam bes?" Sarkastikong sagot niya sa akin. Nakanguso ako at marahang tumango sa kanya. Tinignan ko ang relo ko at 11:30 na ng umaga, may 10 minutes pa kami. Binilisan na namin ang pagkain ng cup noodles at agad bumalik sa room. Wala pang teacher ng makarating kami.
"Alice, tapos mo ba yung Filipino?" Tanong sa akin ni Jake, ang kaklase kong bisexual.
"Ano yun, Meron bang pinapagawa?" Tanong ko sa kanya. Tumabi siya sa akin at ipinakita ang isang litrato.
"Ayan yun, meron ka na ba?" Tanong niya ulit, umiling lang ako bilang pag sagot. Umalis na siya at bumalik na sa kanyang pwesto. Nahagip ng paningin ko si Gio na katapat lang ng upuan ko. Nakikipagusap siya sa mga kaibigan niya. Tama si Nani, sayang ang friendship natin.
Dumating ang next subject namin at nagdiscuss lamang ito. Natapos ang buong mag hapon sa discussion.
"Mauuna na ako sayo Alice 'a" paalam ni Nani na nginitian ko. Marami rami pa kami sa loob ng room. Inaayos ko ang gamit ko at nang matapos ay inilagay ko na sa likod ko ang maroon kong bag. Lalabas na Sana ako nang may bumangga sa akin. Tinignan ko ito at si Gio pala, nakatingin rin siya pero umiwas rin at umalis na. Ganon na talaga siguro, lahat ng tao ay nagbabago, hindi man ngayon pero baka bukas makalawa.