Chapter 24

5 0 0
                                    

Isang malamig na semento ang naramdaman ko nang magising ako. Masakit ang ulo at mga mata ko, dahil siguro sa kakaiyak ko. Agad akong tumayo at nagtungo sa banyo para makapag hilamos. Nang makapagbihis na ako at binuksan ko ang pinto. "Ano pang ginagawa mo dito?" Tanong ko kay Gio na na nakasandal sa pinto at muntik nang matumba. Tumayo siya at humarap sa akin gamit ang namumugtong mga mata, "Pinatawad mo na ba ako?" Tanong niya sa akin. Umiling ako at tinulak siya.

"Umalis ka na dito, papasok na ako" dala dala ko ang bag ko at tinutulak ko siya palabas. "Sasama ako sa trabaho mo" sabi niya. "Umalis kana, hindi na kita mahal. Hindi mo ba napapansin 'yun?" Tanong ko sa kanya. "I don't fvcking care, mahal kita at mamahalin pa rin kita kahit hindi mo ako mahal" pagmamatigas niya. Ilang beses akong umiling at tinulak ko ulit siya paalis. Pero sadyang mabigat siya, ni hindi ko siya mapaalis sa kinatatayuan niya.

"Bakit hindi mo na lang kasi ako patawarin at mahalin ulit?" Tanong niya. "Sa tingin mo ganun na lang kadali magpatawad, matapos mo akong saktan, babalik ka" sagot ko sa kaniya. Ramdam ko ang pagtulo ng mga luha ko. "Pero wala na, hindi ko tinuloy yung engagement dahil mahal kita, Alice, please" hinawakan pa niya ang dalawang kamay ko. "Wala na tayo, layuan mo na ako, hindi na kita mahal" Tinulak ko siya at mabilis akong sumakay sa kotse.

Kita ko sa pheriperal vision ko si Gio na nagmamakawa. Ganito ang nangyari nang gabi na iyun. Sumakay ako sa kotse habang siya at nasa labas at nagmamakaawa.

Pinagana ko ang makina at nagtungo na sa kotse. Nagtungo ako sa opisina. "Good morning, sir" bati ko sa boss ko na si Lucas De Guzman. Masungit siya. Tumango lamang siya at nilagpasan ako. Kahit kailangan, hindi ko nakasundo ang boss ko.

"Good morning, Alice" bungad sa akin ni Tia. Nginitian ko lamang siya at naupo ako upang gawin ang trabaho ko. Maraming mga papel ang nasa desk ko na kailangan kong I-summary.

"Mukhang ang dami mong trabaho ngayon 'a" sabi ni Theo. Siya ang malapit kong kaibgan na lalaki. "Oo nga 'e, masyado akong pinahihirapan ng boss natin" nakangiwi kong sagot habang nagta-type sa aking computer. "Want help?" Tanong niya sa akin. "Huwag na, kaya ko na 'to, thank you" sagot ko na tinanguan niya at umalis na.

Maya maya pa ay dumating si Renz, ang isa pang bakla na kaibigan ko. "Alice, nais ko lang ibigay sa iyo ang bulaklak na ito, pinabibigay lang" sabi niya at inaot sa akin ang boquet ng rosas. "Kanino daw galing?" Tanong ko at inamoy ang mahalimuyak na bulaklak. "Ewan ko, tignan mo may letter 'o" sabi niya. Tinignan ko naman yng letter na tinuro niya. "Pinatawad mo na ba ako?" nangunot ang noo ko. Alam ko na kung sino ang nagbigay neto.

Inabot ko sa kanya yung bulaklak. "Sayo na iyan" sabi ko sa kanya. "Ay, ang sama, umeffort tapos ipamimigay mo lang" sabi niya habang hinihipo ang bawat parte ng mga bulaklak. "Kung ayaw mo, tapon mo na" sabi ko at humarap ulit sa computer.

Kahit anong gawin niya, hindi ko na siya mapapatawad.

Nothing Forever(completed)Where stories live. Discover now