Hindi ako makagalaw dahil nasa harapan ko siya. "B-bakit ka nandito?" Tanong ko sa kanya. Saglit niya pa akong tinignan at umalis na siya. Sinundan ko siya ng tingin at isang kotse ang sinakyan niya. Kotse niya ata.
Huminga ako ng malalim at umalis na rin sa parking lot. "Alice" tawag ni Sean sa akin. Kumaway muna siya bago lumapit.
"Bakit?" Tanong ko sa kanya. "Tara, may pupuntahan tayo" sagot niya at hinatak ako. "Teka, yung bike ko" sabi ko sa kanya kaya napahinto kami sa paglalakad. "Mamaya na 'yun, babalikan na lang natin" sagot niya.
Lumabas na kami ng paaralan at sumakay ng jeep. Medyo malayo ang lakaran papunta sa sakayan ng jeep mula school. "Saan ba talaga tayo pupunta?" Tanong ko sa kanya. "Malalaman mo rin mamaya" nagsisimula na akong mainis sa kanya.
Tahimik lang ako sa loob ng jeep. Nakikita ko sa gilid na tumititig si Sean. Nakakailang.
Nang makababa na kami, isang perya ang sumalubong sa amin. Malapit na mag gabi kaya bukas na ang perya.
"Anong gagawin natin dito?" Tanong ko sa kanya. Tinignan ko ang paligid. May rides, palaruan at kung ano ano pa.
"Syempre magsasaya, tsaka bilang kapalit na rin ng pagtulog" nakangiting sagot niya. Tumango na lamang ako at hindi na nagsalita. Hinatak niya ako papunta sa isang palaruan na puro stuff toys. Kung hindi ako nagkakamali, kailangan mashoot ang 3 bola sa mukhang vase upang makakuha ng premyo.
"Hindi ako magaling dito" sabi ko sa kanya. Tinapik niya ako. "Pili ka lang, kukuhain ko 'to" ngumiwi ako dahil may pagtaas pa siya ng dalawang kilay ng tatlong beses.
"Sige" sabi ko. Nilibot ko ang paningin sa mga stuff toys at isang pusang abo ang napili ko. Medyo may kalakihan ito. "Ayun yung akin, galingan mo 'a" sabi ko sa kanya.
Binato niya ang isang bola pero sumablay ito. Sunod ang ikalawa pero ganun rin, sablay pa rin. "Mukhang hindi na ata makukuha 'a" sambit ko sa kanya. "Alice, makukuha ko 'yan, tiwala lang" anang niya. Nakakunot ang noo at binato na ang huling bola at....sablay.
"Ayos lang 'yan, sa iba na lang" sabi ko kay Sean pero tulala siya. Hindi niya ata matanggap na hindi siya nanalo. "Huwag mo na isipin yun, Sean, may next time pa naman" dagdag ko.
May nakita akong nagtitinda ng cotton candy kaya pinuntaha ko ito. "Dalawa po, kuya" sabi ko. Inabot sa akin ni kuyang nagtitinda ng cotton candy ang blue ang pink na cotton candy.
Agad akong bumalik pero nasa ganun pa rin ang posisyon niya. "Sean, cotton candy 'o" abot ko pero hindi niya ito kinukuha. Nilapag ko muna ang cotton candy sa bench. Hinawakan ko ang batok niya malakas kong hinampas ang noo niya.
"Aray, bakit mo ako hinampas?" Nakangusong tanong niya. Pumameywang muna ako bago sumagot. "Aba, simula kanina ay tulala ka, parang laro lang 'yun" angil ko sa kanya.
Hindi na siya sumagot at kinain niya ang cotton candy. Nang matapos ay sumakay kami ng mga rides at naglaro pa.
"Salamat, ang saya" sabi ko sa kanya nang maihatid niya ako sa bahay. "You are always welcome" sagot niya at nagpaalam na aalis. Nakangiti akong pumasok sa bahay.