Chapter 2

15 1 0
                                    

"Alice, may naghahanap sayo" rinig kong sigaw ni Andrei sa sala. Andrei is my older brother. Wala na kaming mga magulang, si papa ay namatay na dahil sa cancer habang si mama ay iniwan na kami. Kaya tulong kami ni Andrei sa mga gastusin. Ang bahay naman ay walang problema dahil si papa ang may ari nitong bahay ay binigay niya na ito sa amin bago pa lamang siya mamatay.

"Alice, sabi niya ulit. Mabilis akong bumaba at nakita ko si Kuya na nasa sala.

"Sino naghahanap sa akin Kuya?" Tanong ko sa kanya at tinignan naman niya ako. Ininguso niya ang direksyon ng pintuan na tinignan ko naman. Si Nani at ang kanyang nakataas ang kilay niya ang bumungad sa akin.

"Ano ginagawa mo dito?" Tanong ko sa kanya pagkalapit ko.

"Gaga, nakalimutan mo bang ngayon ang birthday party ni Shane" aniya at pumasok kami sa loob.

"Ngayon ba yun, diba bukas pa ang kaarawan niya?" Tanong ko sa kanya.

"I heard na aalis ang magulang niya patungong states, kaya pinaaga ang event" tumango ako sa kanya. Nagpaalam ako na magpapalit lang ng damit. Hapon na at malamang ay aabutin kami ng gabi roon.

"Kuya, may pupuntahan lang ako" paalam ko sa kuya ko na nanonood ng tv. Tumango lang siya, lumabas na kami ni Nani at isang matte black na suv ang naka-park sa labas ng bahay.

"Saan mo naman nadekwat 'to?" Natatawang tanong ko kay Nani habang hinahaplos ang sasakyan gamit ang mga daliri ko.

"It's not nadekwat, that is mine" nakataas ang kilay niyang sagot habang pinapaikot sa hintuturo ang susi ng sasakyan.

"Okay, let's go at naeexcite ako sumakay sa sasakyan mo" diniinan ko ang huling dalawang salita.

"Totoo nga, akin 'yan" aniya.

"Fine" sagot ko at sumakay na kami sa suv. Si Nani ang nasa driver seat at ako naman ang nasa shotgun.

Mga kalahating minuto ay nakarating na kami sa bahay ni Shane. Bumaba na kami sa sasakyan. Nasa labas pa lamang kami ng bahay ay rinig na ang tugtugan.

"It seem we are late" sabi ko sa kanya habang nakatingin parin sa bahay na binabalutan ng malakas na tugtog.

"No we're not, may mga dumadating pa" sagot niya at itinuro ang dalawang kotse na mukhang mamahalin. Inaya na ako ni Nani sa loob. May mga taong nagsasayawan, nagkakainan at kung ano ano pa.

"Guys, bakit ang tagal niyo, kanina pa ako naghihintay sa inyo" bumungad sa harap namin si Shane.

"I'm sorry, si Alice kasi ang tagal" napangiwi na lang ako sa sagot niya. Malay ko ba naman kasi.

"I have a gift for you" ani Nani na may dala pala na isang blue paper bag. Medyo nanliit ako dahil wala akong dalang regalo. Bakit hindi niya sinabi?

"I'm sorry Shane, wala akong regalo sayo" pagpapaumanhin ko sa kanya.

"It's okay Alice, ayos na umattend kayo, tsaka hindi pa tapos birthday ko, it's not even starting" nakangiting sagot niya. Inaya niya kami sa isang sofa kung saan nandun ang iba naming kaklase.

"Mamaya darating dito si Harah" rinig kong sabi ni Shane. Ramdam ko na siniko ako ni Nani kaya tinignan ko siya.

"Bakit?" Tanong ko sa kanya at ngiting aso lang ang sinagot niya.

"Tigilan mo 'yan Nani, 'wag mo isipin 'yan" sagot ko sa kanya. Marahan siyang tumango.

"Happy birthday Shane" nag-angat ako ng tingin dahil sa isang boses ng babae.

"Harah, Gio, thank you" sagot ni Shane. Sumalo na sila sa amin. Nagtaas ng kamay si Shane upang humingi ng alak na maiinom.

Naramdam ko sa tagiliran ko ang pagvibrate. "Cellphone mo ba 'yun?" Tanong ko kay Nani at kinuha sa bulsa ang cellphone niya. Nagpaalam siya na sasagutin muna ang tawag atsaka lumabas.

Dumating sa pwesto namin ang isang lalaki na may dalang limang beer.

"Thank you" ani Shane sa mga bisita niyang nagpupunta at nagbibigay ng regalo. Tinignan ko si Gio na nakatingin rin sa akin. Mabilis akong nag iwas ng tingin at kumuha na lang ng isang beer sa lamesa.

"You're drinking too much" sabi ni Gio kay Harah na nakakalahati na ang beer.

"I'm fine, babe" anang ni Harah. "So it's true, kayo na nga" sabi ni Shane sa kanilang dalawa. Nilibot ko ang paningin dahil sa tagal ni Nani.

"How about you Alice, may boyfriend ka na?" Tanong sa akin ni Harah. Tinignan ko si Gio na nakataas ang kilay habang nakatingin rin sa akin.

Lumunok muna ako bago sumagot. "Uhm...yes, I have a boyfriend" nakangiting sagot ko. Ramdam ko ang titig ni Gio sa akin.

"So, who is this?" Tanong ni Shane habang marahan na shine-shake ang beer na hawak niya.

Napakagat ako ng labi at inilibot ang paningin. Hindi ki alam kung sino ang isasagot ko. Bakit ba kasi sinabi ko na meron.

"Who?" Napatingin ako kay Gio na masama ang tingin sa akin. "Huh?" Tanong ko sa kanya.

"Who is your fucking boyfriend?" Napalunok ako dahil sa inaasta niya. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko. Pakiramdam ko, nagseselos siya kaya may parte sa akin na masaya. Pero, sila ni Harah, kaya bakit siya magseselos?

Nothing Forever(completed)Where stories live. Discover now