It's our second day here sa Palawan. Hindi ko alam na Palawan pala ito. I just realized it, when I saw a signage about Palawan.
"Kelan ba tayo lalangoy?" Tanong ko kay Gio na nakahawak sa kamay ko. Nadadaanan ng kalesa namin ang dagat sa gilid. "Maybe later, pagkatapos natin mananghalian" sabi niya. Ramdam ko na hinalikan niya ako sa pisngi kaya namula ako.
"It is just a kiss to a cheek, but you are already blushing" sabi niya sa akin. "Ikaw kasi, bigla bigla kang hahalik" sabi ko kaya tumawa siya. Mahina ko siyang sinuntok sa braso na lalo niyang ikinatawa.
"Andito na po tayo" sabi ng lalaki. Nasa tapat kami ng isang restaurant. Naunang bumaba si Gio at inilahad niya ang kamay kaya kinuha ko ito.
"Table for two" sabi niya sa lalaki na bumungad sa amin. Napatingin ako sa kamay namin na magkahawak pa rin, napangiti ako.
"This way please" maraming round tables ang restaurant. Naupo na kami sa lamesang napili namin. "Here is your menu" binigay ng lalaki ang dalawang menu.
"Anong gusto mo?" Tanong sa akin ni Gio. "Beef steak sa akin" sagot ko sa kanya. "Dalawang beef steak, dalawang mini ice cream at dalawang nestea" sabi niya sa lalaki at agad itong umalis.
"Paano na pala yung kompanya mo doon?" Tanong ko sa kanya. Nilalaro niya ang bawat daliri ko. "Meron akong inassign na mag asikaso doon, don't worry about it" tumango ako. Maya maya ay dumating na ang pagkain namin.
Nang matapos kami kumain ay bumalik kami sa bahay para magpalit. Isang red bikini ang suot ko at si Gio na naka sandong white at summer shorts. "Bakit ganyan ka makatingin?" Tanong ko dahil sa sama ng tingin niya sa akin.
"Ayokong may ibang lalaki na makakita sayo habang ganyan ang suot mo" napairap ako. "Gio, magsusuot talaga ako neto kasi pupunta tayo sa beach, ano gusto mo suotin ko, jacket?" Tinaasan niya lang ako ng kilay. Umalis na siya saglit at bumalik na may dalang jacket na red.
"Suotin mo ito hanggat hindi pa tayo nakakalusong sa dagat" hinubad ko yung jacket. "Magde dress muna ako" sabi ko at sinuot ang floral kong dress. Wala na siyang nagawa kaya lumabas na kami ng bahay.
Hinapit niya ang bewang ko at naglakad na kami patungo sa dagat. Palubog na ang araw kaya mas masarap maligo, malamig. Hinubad ko ang dress ko at nilapag ko lang ito sa buhangin. Sabay kaming lumangoy ni Gio papunta sa malalim na dagat.
Habang lumalangoy ako ay bumitaw siya sa pagkakahawak sa kamay ko. "Gio...Gio...Gio" sigaw ko pero wala siya. Lumangoy pa ako pero wala talaga siya. Naramdaman ko naman na nagiinit ang gilid ng mga mata ko. "Gio-ahhhh" napatili ako nang may humawak bigla sa bewang ko.
"Saan ka ba galing, pinag alala mo ako" hindi ko na napihilan ang luha ko at pinagsususuntok siya sa dibdib. "Araaay, tama na, I'm sorry" natatawa niyang sabi at hinawakan ang dalawang kamay ko.
"Akala ko iniwan ko ako" nakayuko kong sabi. "I will never leave, I promise" sabi niya at hinalikan ako. His gently kiss turned into deep and hot kiss.
