Nagising ako dahil sa labi na dumadampi sa pisngi ko. "Gio, stop" narinig kong humagikgik siya. Tumayo na ako at kinusot ang mata ko.
"Good morning sunshine" sabi niya sa akin at hinalikan ako sa noo. Ngumiti ako at akmang hahalikan siya. "Let's eat first, Alice" anang niya at binuhat ako. Pinulupot ko ang dalawang hita ko sa bewang niya at nilagay ang ulo sa leeg niya. He's smell good.
"Huwag mo akong singhutin" narinig ko sabi niya. Nakanguso akong humarap sa kanya kaya natawa siya. "What do you want to eat for breakfast?" Tanong niya sa akin. Umupo siya sa stool habang ako ay nasa lap niya at nakaharap sa kanya.
"Kahit ano, basta luto mo" sabi ko. He gently kiss me on my lips. "Wait me, I will cook" tumango ako at naupo sa stool. Lumapit siya sa lutuan.
Hindi ako magsasawang panoorin siya magdamag. Maya maya ay natapos na siya. Omelette and bacon ang niluto niya. Ang bango.
Nagsimula na kaming kumain. "Saan ba tayo pupunta?" Tanong ko sa kanya. Naka plain blue dress ako. Sinabi niya na may mga damit ako sa closet at siya mismo ang bumili.
"It is a suprise" sabi niya. Hinatak niya ako hanggang sa makarating kami sa isang kubo. "Anong gagawin natin dito?" Tanong ko pero nginisian niya lang ako. Hinatak niya ako papasok at nagulat ako sa loob nito.
"Para saan 'to?" Tanong ko sa kanya. Maraming pagkain ang nasa loob at iba iba ang putahe. May wine rin. Umalis sa tabi ko si Gio at may kinuha sa kahoy na upuan.
Ibinigay niya sa akin ang isang bouquet ng rosas. "Ano meron?" Tanong ko ulit. Inayayahan muna niya ako umupo bago magsalita. "Alice Francisco, would you allow me to court you?" Court? Ligaw? Nakangiti akong tumango. Ang isang Gio Santiago, liligawan ako. It makes me happy.
Nagsimula kaming kumain at nang matapos ay lumabas kami ng kubo. May pinuntahan kaming isang park na may rides. May zipline, may iilang extreme rides at may mga palaruan.
"Saan mo gusto sumakay?" Tanong niya. "Zipline" sagot ko. Napansin ko na lumunok siya. Takot ba siya? Binayaran niya ang zipline kaya walang pumipila roon. Nakareserve na ito para sa amin.
"Uupo po ba kayo or dadapa?" Tanong sa amin ng nagbabantay ng zipline. "Dadapa" sagot ko. Tinignan ko si Gio na namumutla. "Ayos ka lang?" Tanong ko sa kanya. Hinawakan ko ang kamay niya at ngumiti siya.
Tinulak kami ng lalaki at dumiresto ang zipline. Tili ako ng tili habang hawak ko pa rin yung kamay niya. "Tumili ka para hindi ka matakot" sabi ko sa kanya kaya sinamaan niya ako ng tingin. "I'm not scared woman" sabi niya. Bumaba na kami nang matapos.
Naglakad lakad kami sa parke at may nakita kaming couple bike. Nirentahan namin iyun. Sa likod ako sumakay. "Woman, hold tight" humawak ako sa damit niya. Nakita ko siyang ngumisi, kaya napangiti ako.
