"Alice, gumising ka." Rinig ko sabi ni papa. "Papa...papa...papa." Sabi ko qt patuloy ko siyang hinahabol. "Alice....gising." Sabi pa niya. Napadilat ako ng mata at isang madilim na lugar ang bumungad sa akin.
Isang ilaw ang nakatatapat sa akin mula sa taas. Naka-tali ang katawan ko sa isang upuan. Kumirot yung ulo ko. Dahil siguro sa paghampas ni Harah.
"Tulong...tulungan niyo po ako." Sigaw ko at pinilit na kumawala pero sobra ang pagkahigpit ng tali sa akin. May napansin akong imahe ng tao na papalapit sa akin. "Gising ka na pala. Akal ko hindi ka nagigising." Sabi ni Harah. Naka red dress siya at naka stiletto. "Ano ba kailangan mo?" Tanong ko sa kanya. "Marami, marami akong kailangan. Pero bago 'yon. I'm gonna kill you first." Aniya at lumabas yung limang maskuladong lalaki.
Kinuha niya yung cellphone niya at may dinaial na number.
"Hello, who's this?" Rinig kong tanong sa kabilang linya. Kung hindi ako nagkakamali , boses ni Gio iyon.
"Hi Gio, miss me?" Tanong naman ni Harah. Masama ko siyang tinitignan.
"Harah, what do you want?" Tanong ni Gio.
"May ipapakausap lang naman ako sayo." Sagot ni Harah at tinapat sa yung telepono.
Sinamaan ko siya ng tingin. "Speak...I said speak." Sigaw niya nang hindi ako magsalita kaya sinampal niya. "Gio ple-"
"Where is Alice, I'm gonna fucking kill you if you hurt her. Wala akong pake kung babae ka. Tell me where is she." Sabi ni Gio. "Gio, wag kang pupunta rito. May mga--ARGHHH" Sigaw ko nang hampasin ako nang isang lalaki ng kanyang malaking kamay na ikinadugo ng labi ko.
"Did you hear that, Gio. Sabi ko naman sayo babalik ako diba. And I'm going to revenge. Sinaktan mo ako, papatayin ko itong pinakamamahal mong babae." Sabi ni Harah at pinatay na ang tawag.
Agad siyang lumapit sa akin at hinawakan ang pisngi ko. "Kawawa ka naman, walang magliligtas sayo. Or should I say, Gio can't save you." Sabi niya at pabatong binitawan ang mukha ko. "Wala dito si Gio, kaya paano ka niya maliligtas." Pang-aasar niya. "Paano kung ikaw nasa pwesto, nandiyan nga si Gio pero ililigtas ka ba. Hindi." Sabi ko sa kanya. Dahil sa pang-aasar ko na iyon ay pinagsasampal niya ako.
"Anong sabi mo. Bwiset ka'ng babae ka." Sigaw niya sa akin at pinagsasampal ako. Tumigil rin siya. Ramdam ko ang pagkahapdi ng mukha ko. Nalalasahan ko na yung dugo na nagmumula sa bibig ko.
"Bantayan niyo 'yan." Sabi ni Harah at umalis na. Tinignan ko yung limang lalaki. Huminga ako ng malalim dahil nanlalabo na yung paningin ko.
"Nakakaawa naman yung babae." Rinig kong sabi ng isang lalaking naka sandong itim. Napatingin ako sa kanya kaya umiwas siya ng tingin.
"Huwag kang maawa diyan, tandaan mo, malaking pera ang kapalit niyan." Sagot naman ng isa pang lalaki. Napayuko na ako dahil sa sakit na ng ulo ko. Lord, sana po may dumating na tulong. Sana tulungan ako nung lalaki. Sige na po. Marami pa po kasi akong gustong gawin 'e.
Tumingala ako at nakita ko yung naaawang lalaki sa akin, siya na lang yung natitira. Sana tulungan niya ako.
