Nitong mga araw, wala naman ibang nangyari. Lesson, discussion, quiz at kung ano ano pa. Pati ang pakikitungo ni Gio, hindi rin magbabago. Simula nung party, nabuhayan ako ng loob na papansinin na niya ako. Nagkamali ako, hindi niya ako kinakausap.
"Ano daw sabi ni Emon?" Tanong ko kay Nani. Oras na ng Filipino ngunit wala pa ang guro namin kaya tumabi muna sa akin si Nani.
"Ayun, magulo pa rin ang bahay nila, puro problema nanaman" halata sa tono ng boses niya na malungkot siya. Malamang ay nahihirapan rin si Nani na makita ang boyfriend na halos pasanin ang lahat ng problema sa mundo.
Hinagod ko ang likod ni Nani. "Everything will be fine, tiwala" ngiting sambit ko sa kanya at ngiti rin ang sinagot niya.
Dumating na ang aming guro sa Filipino at sinabi nito na may magulang na dumating kaya lamang siya nalate.
"Pasensiya na at nalate ako" bungad niya sa amin. Kinuha niya ang kanyang libro sa bag na dala at nagturo na ito. Medyo bored ako sa oras ng Filipino kaya walang pumapasok sa utak ko.
Natapos ang oras niya. "Kain tayo sa café, Alice" aya sa akin ni Nani na kalalapit lang. Tumango ako at lumabas na kami.
Nagpunta kami sa café at si Nani na ang umorder.
"Sabi ni Shane, lilipat daw dito si Harah" napatigil ako sa pagnguya dahil sa sinabi niya.
"Pwede pa ba lumipat?" Tanong ko. "Oo, at baka irequest niya rin na sa section natin siya lilipat" sagot niya sa akin. Syempre, nandun kasi si Gio kaya dun rin siya.
"Bakit natahimik ka?" Nakataas ang kilay niyang tanong. Umiling lang ako. Tinapos na namin ang pagkain at bumalik na kami sa room.
"Nani, magsi-cr lang ako 'a" paalam ko at mabilis akong nagtungo sa banyo. Pumasok ako sa isang cubicle.
"Balita ko, babalik daw dito si Harah, bakit kaya?" Rinig kong boses ng isang babae sa labas. "Hindi ko alam, pero masaya ako dahil babalik na siya" sagot pa ng isang babae. Narinig ko na tumunog ang pinto kaya baka lumabas na sila.
Lumabas na ako ng banyo at ganun na lang ang gulat ko nang may humatak sa akin.
"Who?" Nanlaki ang mata ko dahil nasa harap ko si Gio. Nakataas ang kaliwang kamay niya sa pader kung saan ako nakasandal habang ang kanan ay nakahawak sa aking pulso.
"Anong sinasabi mo?" nakakunot ang noo kong tanong ko sa kanya. Ngumiwi siya bago magsalita. "Sino yung boyfriend mo?" Tanong niya.
Marahas kong hinatak ang kaliwang kamay ko sa pagkahawak niya at tinulak ko siya. "Pake mo ba kung sino ang boyfriend ko?" Inis na tanong ko sa kanya at mabilis naglakad palayo
Naiinis ako sa inaasta niya. Bakit ba masyado siyang agresibo malaman kung sino ang boyfriend ko. Wala naman akong boyfriend kaya wala akong sasabihin.
