"Ayos ka lang ba Nani?" Tanong ko kay Nani na mukhang iritado sa harap ng kanyang cellphone. Halos masira ang telepono dahil sa madiin nitong pagpindot.
"Si Emon kasi, hindi sinasagot ang mga text ko" sagot niya sa akin na sa telepono pa rin ang tingin.
"Baka hindi pa tapos ang mga problema, hayaan mo muna" nakangiting sagot ko at kumalma naman siya. Dumating ang adviser namin. "Class, meron kayong bagong kaklase...pasok ka na"
Pumasok ang isang babae. Ngayon pala ang balik niya.
"Hello everyone, it's good to be back" nakangiting sabi ni Harah. Tinignana ko naman kung sino ang kinawayan niya, si Gio na mukhang seryoso.
"Sige miss, pwede ka na maupo" ani ng guro at humanap na ito ng kanyang mauupuan. Nagsimula na magdiscuss ang mga guro.
"I'm so happy na dito ka na ulit mag aaral" nakangiting batid ni Shane. Nasa café kaming lima. "Thank you Shane, I'm so happy rin, diba babe" nakangiting tumango si Gio. Sinimulan na namin ang pagkain.
Natapos ang buong araw ng klase. "Alice, uuwi na ako at pupuntahan ko pa si Emon" paalam ni Nani. "Sige, ingat ka" sagot ko at umalis na siya.
Marami pa kami sa loob ng classroom. Kumuha ako ng walis tambo upang maglinis. "Francisco, paabot ng dustpan" ani ng presidente ng room namin sa akin.
Kinuha ko ang dustpan at inabot ito sa kanya. "Salamat ng marami" sagot niya. Tinapos na namin ang paglilinis.
Nang matapos ay nagpaalam na ako na uuwi na. Naglakad ako upang kunin ang bike ko para makauwi na.
Habang naglalakad ako ay may narinig akong nagsalita sa likod ko. "Babe, namiss mo ba ako?" Napatingin ako sa likod ko at nakita ko roon si Gio af Harah. Nakatingin si Gio sa akin kaya binilisan ko ang paglakad.
Hindi ko na narinig ang sagot ni Gio dahil halos patakbo na ang lakad ko.
Nang makarating na ako sa parke kung nasan ang mga bike, hinanap ko na agad ang akin. Nang makita ko na ang bike ko ay agad ko itong nilapita.
Ia-unlock ko na sana ito nang may mapansin akong lalaki. Nakatungo siya at nakaupo sa isang balitang ng hagdan, hindi kalayuan sa pwesto ko.
Nagtago ako sa likod ng puno nang may dumating na tatlong lalaki. Mula sa pwesto ko ay kuyang kita ko sila.
Sinapa ng lalaki na nasa gitna at tayo tayo ang buhok ang lalaking nakaupo. "Hoy, ayoko yung ginawa mo kanina" anang niya. Inilahad niya ang kanyang palad sa katabi niyang lalaki na medyo chubby.
Nanlaki ang mata ko nang hampasin ng lalaki yung nakaupo ng isang asul na tubo. Napatakip ako sa bibig upang hindi magagawa ng ingay.
Luminga linga ako ay nagbabakasakali na may dumating na tulong, pero wala. Binalik ko ang tingin sa kanila at sinipa ng lalaki yung nakaupo.
Nilibot ng paningin ko ang paligid at dalawang malaking bato ang kumuha ng atensyon ko. Dahan dahan akong nagtungo roon at kinuha ang bato.
Tumingin ako sa mga lalaki. Lumunok muna ako bago maglakad papunta sa pwesto nila.
Hindi nila ako kita, maliban sa lalaking naka upo. Umiling ako nang mapansin niya ako. "Gago, kulang pa 'yan" akmang hahampasin niya ulit ng tubo ang lalaki pero naunahan ko na siya.
Hinatak ko ang lalaki at tumakbo kami. "Habulin niyo sila--aarghh" rinig kong utos ng lalaki. Mabilis ang takbo namin.
"Dito tayo" Hinatak ako ng lalaki at nagtago kami sa isang madilim na eskinita. Hinihingal akong sumandal sa pader habang lumagpas sa amin ang dalawa pang lalaki
Tinignan ko yung lalaki na nakahawak sa tuhod niya at hinihingal. "Ayos ka lang?" Tanong ko sa kanya. "Oo, salamat sa tulong mo" aniya at nginitian ko siya. Masarap rin pala sa pakiramdam ang tumulong.
