Chapter 14

1 0 0
                                    

Nagising ako dahil sa kurtina na tumatama sa mukha ko. "Sino ba nagbukas ng bintana?" Tanong ko habang kinukusot ang mata ko. Tatayo na sana ako nang malaman ang nangyari.

"SHOOKT" napabalikwas ako ng bangon kaya nahulog ako sa kama. Tinignan ko ang paligid. Nasa kwarto ako. Isang puting king size na kama, dingding na may marbles ang diesnyo, may cr at may brown closet. Parang nasa hotel lang.

Tinignan ko ang sarili ko, ganun pa rin naman ang suot ko. Maliban sa paa, footsock na lang ang meron at wala ang sapatos ko kaya hinanap ko ito. "Asan ba yung sapatos ko at nang makaalis na dito" bulong ko sa sarili ko. Yumuko ako at hinanap sa ilalim ng kama, pero wala. Sa closet, sa cr at saan saan. Pero wala.

Huminga ako ng malalim at lumapit sa pintuan. "Sana wala sa labas yung dumukot sa akin" pinihit ko ang door knob at dahan dahan lumabas. Pagkalabas ko ay isang sariwang hangin ang bungad sa akin. Bumaba ako at tinitignan ang paligid. "Walang tao" mahinang sabi ko at akmang bubuksan ang pinto palabas ng bahay.

"Where do you think you're going, woman?" Nanlaki ang mata ko nang mapagtanto ko kung sino ang nagsalita. "Anong ginagawa mo dito Gio?" Tanong ko sa kanya pagkaharap ko. Dahan dahan siyang lumapit kaya umatras ako at naramdam ang pinto sa aking likod.

"This is my house" sabi niya habang ang kanang kamay ay nasa pinto. Lumunok ako bago ko siya itulak pero hindi sapat ang lakas ko.

"Ano ba ginagawa ko sa bahay mo?" Iritableng tanong ko sa kanya. Lumayo sita kaunti at humalukipkip sa harap ko. "I don't know, ano ba gusto mong gawin?" Nakangising tanong niya kaya nginiwian ko siya.

Naguguluhan ako. "Bakit ba ako nandito, ikaw ba nagdala sa akin dito?" Naiinis na ako dahil sa ngisi niya pero....pero aaminin ko, ang gwapo niya.

"Yes, dinala kita dito" sagot niya sa akin. "Huh, 'e paano na yung engagement niyo ni Harah?" Tanong ko sa kanya kaya sinamaan niya ako ng tingin. "I already said, ayoko siyang pakasalan" matigas na sabi niya.

Umalis siya sa harapan ko kaya sinundan ko siya. "Anong ayaw, kailangan mo siyang pakasalan" sabi ko sa kanya kaya humarap siya sa akin. "Hoy babae, there is only one girl I want to marry and it is not Harah" sagot niya at umalis ulit.

"Diba girlfriend mo siya, edi ibig sabihin mahal mo siya" napayuko ako dahil sa huling sinabi ko. Shit, bakit parang naiiyak ako.

"Hoy, first of all, she is not my girlfriend at hindi ko rin siya mahal. Sa tingin mo ba, iiwan ko siya kung mahal ko siya" sambit niya at dumiretso kami sa kusina.

"Kung ganon, sino ba mahal mo?" Tanong ko sa kanya. "Manhid ka ba babae?" Halata sa mukha niya na naiinis siya. He is cute.

"Eh, sino ba kasi, bakit hindi mo sabihin. Huwag ka ng paligoy ligoy pa" sagot ko sa kanya.

"It was you Alice Francisco, ikaw ang mahal ko. Since first year mahal na kita, pero pinagtutulakan mo lang ako sa taong hindi ko mahal. And it so damn hurt" napatingin ako sa mata niya na namumula na. Namalayan ko ang sarili ko na nangigiti. Ang sarap sa pakiramdam na mahal ka rin ng taong mahal mo.

Nothing Forever(completed)Where stories live. Discover now