"Class, our acquitance party will be held on this friday" bungad sa amin ng guro. "Magsisimula ito ng 3pm, meron theme ang party. Dapat floral ang dress ng babae" sabi niya sa amin. Maraming umalma dahil ayaw nila ng floral. Pero hindi nila iyon mababago, dahil hindi naman ang guro namin ang nagdesisyon.
"Class, maganda ang floral, kung maganda ang magsusuot" anang ng guro habang nagtatawanan. Hindi ko alam kung biro ba iyun o pang iinsulto.
Nang matapos siya magsalita ay pina gawa siya sa amin. "Ma'am, mukhang hndi matatapos ito, bukas na lang po ang report" sabi ng isang kong kaklase. Marami ang sumang ayon dahil sino ba naman ang gusto ng reporting.
Tinignan ko ang oras at 3 minuto na lang at tapos ang oras niya. "Tapusin niyo 'yan, at bukas natin irereport" sabi niya amin. Tinignan ko ang mga kagrupo ko na nagreresearch.
"Alice, isulat mo na 'to" sabi ng kagrupo ko nang may mahanap sila. Agad ko itong sinulat sa manila paper. Nang matapos ay tinupi ko ang manila paper at pinatago ito sa aming leader.
"Class, I am expecting to your report. Ayusin at pagandahin, be creative" sabi niya bago umalis. Recess namin at inayos ko ang gamit ko. "Alice, baba tayo" aya sa akin ni Nani at Shane. "Sige, saglit lang at tatapusin ko lang ang pagaayos" sabi ko.
Nilibot ko ang paningin ko at nakita ko na bakante ang upuan ni Gio. Hindi ba siya pumasok? "Uy, tara na" sigaw ni Nani. Tumango ako at lumabas na ng room.
"Bakit parang hindi ko nakikita si Harah?" Tanong ni Nani habang ngumuya. "Alis kasi nila ni Gio papuntang state" sagot sa kanya ni Shane. Marahang tumango si Nani at saglit akong tinignan. "So, may date sila or vacation?" Tanong ulit ni Nani at umiling si Shane. "Hindi, pero tungkol daw ata sa business" sagot ni Shane.
Business? Ang bata naman masyado ni Gio para sa malalaking respinsibilidad. But, I believe in him. Matalino siya at kaya niyang ihandle ang lahat. Pumanik na kami sa room at nagsimula na ang klase.
"Andito na ako" sigaw ko nang mapasok sa loob ng bahay. Walang tao sa sala kaya umakyat ako sa second floor.
"Kuya" tawag ko sa kuya ko pero walang sumasagot. Pumasok ako sa kwarto at ibinaba sa kama ang bag. Lumabas ako at nagtungo sa kusina upang uminom.
Kukuha na sana ako ng tubig ng may nakita aking notes sa ref. "Alice, magbihis ka ng pormal dress, susunduin kita ng 5 ng hapon" basa ko roon sa notes. Saan naman kami pupunta at bakit pormal pa.
Umakyat ako sa kwarto at naghanap ng dress. Isang plain na white off shoulder dress ang napili ko. Tinignan ko ang relo ko na nasa side table ng kama. It's 4:30 pm. Agad akong pumasok sa banyo at naligo na.
Nang matapos ay tinirintasan ko ang buhok. Medyo nakakangawit. Tinext ko si kuya.
To:Andrei
Tapos na ako mag ayos. Saan ba tayo pupunta?
From:AliceKinuha ko ang browm kong shoulder bag at nilagay ko ang cellphone at wallet. Bumaba na ako sala nang tumunog ang cellphone.
To: Alice
Sige, papunta na ako diyan. I-lock mo ang bahay.
From:AndreiGinawa ko ang inutos niya. Ipinasok ko muna sa garahe ang bike ko bago ko ilock bahay. Maya maya ay dumating na ang sasakyan ni kuya.
"Sakay na" sabi niya. Umikot ako para makasakay sa shotgun. "Saan tayo pupunta?" Tanong ko pagkapasok pa lang. "Sa bahay ng mga magulang ni Gio, may paguusapan kami" sagot niya. Si kuya ay nagtatrabaho rin sa kompanya ng magulang ni Gio. "Sabi ni Shane nasa state daw sila" sabi ko sa kanya. Naalaka ko nanaman na magkasama sila ni Harah. Nakakainis.
Tumingin muna si Kuya bago sumagot. "Oo, kararating lang nila kanina. Kaya rin pala kita sinama dahil ipagkakasundo silang dalawa" sabi niya na ikinakunot ng noo ko. "Anong ipagkakasundo?" Tanong ko sa kanya. "Ikakasal sila kapag natapos na ang junior high school" grade 10 na ako. Ibig sabihin, makakasal sila kapag nakapagtapos na ng grade 10. Parang hindi ko kaya, pero wala akong karapatan na humadlang.