Sa buhay, hindi puro saya lang. Meron rin problema. Walang taong may perpektong buhay. Walang taong palaging masaya. Lahat ng magagandang nangyayari sa buhay ay may kapalit. Minsan nakakabuti, pero minsan hindi.
Last day na namin dito at nag aayos na kami paalis. Kinakabahan ako. Baka pagalitan ako dahil bigla na lang ako nawala.
"Hey, are you okay?" Tumango ako sa kanya. Dumating na ang kanyang sasakyan at bumyahe na kami pauwi.
Nakarating na kami sa bahay. "Pasok na tayo" siya ang nag aya. Lumunok ako at sabay na kaming pumasok.
"Kuya, andito na ako" sigaw ko. Nakita kong bumaba si kuya mula sa taas. Namalayan ko na lamang na umaawat na ako sa kanilang dalawang. "GAGO KA, saan mo dinala kapatid ko?" Sigaw na tanong ni kuya matapos niyang sapakin si Gio.
Umiiyak ako habang pinipigilan si kuya. "Kuya, tama na" sabi ko sa kanya. Lumapit ako kay Gio at tinulungan ko siyang tumayo. "Mahal ko ang kapatid mo" matigas na sabi ni Gio.
"Mahal? Gago, hindi niya kailangan ng pagmamahal mo, umalis ka na dito, tang*na ka" sigaw ni kuya at tinutulak tulak si Gio. "Kuya, tama na, mahal ko rin si Gio"
Napatigil si kuya sa sinabi ko. "Anong sabi mo? Mahal mo rin siya? Alice, hindi ka ba nag-iisip, sasaktan ka rin ng gagong lalaki na 'yan" nakayuko ako habang humahagulgol. Ang sakit, parang ako yung minumura ni kuya. Ang sakit, parang ako yung tinulak at sinapak niya. Nasasaktan ako sa ginagawa niya kay Gio.
"Mahal ko siya, kaya huwag mo siyang husgahan" sabi ko sa kalagitnaan ng pag iyak ko. Tinignan ko si Gio na seryosong nakatingin sa akin.
"Bahala ka sa buhay mo, pero kapag sinaktan ka niyang lalaki na 'yan, 'wag kang lalapit sa akin" sagot ni kuya at iniwan kaming dalawa. Napaupo ako dahil sa bigat ng nararamdaman ko.
Niyakap ako ni Gio at hinagod niya ang likod ko. "Ayos ka lang ba?" Tanong ko sa kanya. Maliit na pasa sa gilid ng labi niya ang natamo niya sa suntok ni kuya. Hinawakan ko 'yun gamit ang hinlalaki ko.
Nang magamot ko ang pasa niya, nagpaalam na siya na aalis na. Nakadungaw ako sa kotse niya hanggang sa hindi ko na ito makita.
Umakyat ako para kausapin si kuya. "Kuya, mag usap naman tayo" sabi ko. Kanina pa ako katok ng katok pero hindi siya sumasagot. Bumuntong hininga na lang ako at pumasok ako sa kwarto.
Ang gown na blue na susuotin ko dapat sa acquaitance party ang bumungad sa akin. Hindi pala ako naka attend dahil nasa Palawan kami ni Gio.
Naligo na ako upang mapreskohan ang aking katawan. Pink pajama na may maliliit na donut at black t shirt ang suot ko.
Tumingin ako sa bintana upang tignan ang mga bituin. Naalala ko ang sinabi ni papa. Kapag namatay ang isang tao, isa siya sa mga star sa langit. Papa, kung sana naririnig mo ako, pagalitan mo si kuya. Sinaktan niya ang mahal ko. Wala siyang karapatan na gawin 'yun. Alam kong nag aalala siya, pero dapat hindi niya hinuhusgahan ang isang tao.
Humiga na ako sa kama at pumikit. Ramdam ko ang mainit na likido na tumutulo mula sa mata ko. Naalala ko ang panghuhusga ni kuya. Masakit para sa akin. Pero papatunayan ko sa kanya na hindi ako lolokohin ni Gio. I promise.
