Valentines na. Maraming vendor ng flowers sa labas ng school namin. Hindi na ako bumili dahil wala naman akong pagbibigyan.
"Class, seat down" bungad sa amin ng aming advicer. "Magsisimula na ang ating confessing board, lahat naman kayo ay may sticky note diba" sabay sabay kaming sumagot sa kanya. "You can confess as many as you want, confessing board start now" nagsimula na kaming magsulat.
Nagisip muna ako ng code name. Dahil sa sinabi ni Gio kahapon ay hindi ako makapag concentrate. Natapos na ang time ng pagconfess at 3 sticky notes lang ang nagamit ko.
Nauna ang boys. Tinignan ko si Gio at isang green sticky notes lang ang idinikit niya. Para yun kay Harah.
Agad kaming tumayo at idinikita ang sticky notes. Pinaghiwalhiwalay ko ang pwesto ng tatlo.
"Class, sana naman ay matino ang inamin niyo 'a" natatawang sabi ni ma'am. "Class, pakisabi na rin sa parents niyo na malapit na ang acquitance party natin" nag ingay ang mga kaklase ko dahil sa balita.
"Ma'am kailan po?" Tanong ng isang kaklase ko. "Hindi pa napafinalize yung date pero yung month ay ngayong february" sagot ng aming guro.
"Aattend ka ba ng party?" Tanong ni Nani. Naglalakad kami ngayon sa hallway. "Oo, minsan lang 'yun 'e" tumango siya. Hindi kami kakain sa café. Naglakad lakad kami ni Nani hanggang sa makarating kami sa park.
Tinignan ko si Nani na tulala sa langit. "Ayos ka lang?" Tanong ko. Nakangiti siya ay tumango. Makikita sa mga mata niya na may problema siya.
"Ano problema?" Tanong ko ulit pero umiling lang siya. Napansin ko na namumugto ang mga mata niya.
"Nani, ano problema, parang hindi tayo bestfriend 'a" sabi ko sa kanya. Tumitig siya sa akin at nagsilabasan ang mga luha niya.
"Alice, si Emon kasi, gustong makipag break" sabi niya. "Huh, bakit daw?' Tanong ko ulit.
"Hindi na daw magwowork ang relationship namin, tapos sabi niya, hindi na niya daw ako mahal, napaka gago niya" binato yung bato na hawak niya at tumama sa pader.
"Sige, iiyak mo lang 'yan" sambit ko sa kanya. Niyakap ko siya at hinagod ang likod. Naaawa ako kay Nani, ang gusto lang naman niya ay ang magmahal at mahalin, pero hindi yun nangyayari dahil sa mga manlolokong lalaki.
Tumigil na siya sa pag iyak. "Uuwi na ako, susunduin ako ni mommy at nakapag paalam na ako sa advicer natin" kita sa mga mata niya kung gaano siya kasakit ngayon. Bakiy ba ang daming babae na sinasaktan?
"Sige, gagawan na lang kita ng mga notes sa mga subject na hindi mo napasukan" tumango siya sa akin. Bumalik kami sa room para kuhain ang bag niya. Pinalabas kami ng guard dahil alam naman niya na uuwi na siya.
"Ayos lang ba pakiramdam mo?" Tanong ng mama ni Nani. Nakatingin lang ako sa kanila. Ano kaya pakiramdam ng may nanay? Masarap ba sa feeling dahil may isang nanay na nag aalala sayo? Sana ako na lang si Nani.
"Salamat, Alice 'a" nginitian ko lang ang mama ni Nani. Sumakay na sila sa kotse at umalis na. Nang tunalikod ako, isang dibdib ang tinamaan ko.
Kumalabog ang puso ko nang mapagtanto ko kung sino ito. Si Gio.