Nakapangalumbaba ako habang nakikinig sa guro sa history. History is the most boring subject. Madali akong antukin kapag puro nakaraan ang pinaguusapan.
Nag-dismiss na ang guro. Bumaba kami ni Nani para maglunch. "Kanina ka pa tulala, may problema ka ba?" Baling sa akin ni Nani matapos makipag usap saglit sa isang kakilala.
"Huh?" Tanong ko sa kanya. Nginiwian niya ako at hinatak na papunta sa café. "Gutom lang 'yan, kain na" sinimulan ko kumain ng inorder namin.
Natapos ang lunch break at bumalik na kami sa aming kwarto. "Class, ngayon ay may activity tayo" sabi ng guro namin sa mapeh.
Ang pagkaalam ko ay sinabi niya nakaraan na tuturuan niya kami ng formal dance. "Kailangan niyo maghanap ng partner niyo" dagdag niya. "Sir, pwede po ba, babae sa babae?" Tanong ng isang kaklase kong babae.
"Hindi pwede, kailangan ay opposite sex" sagot niya. Nakaupo lang ako habang tinitignan si Harah papunta kay Gio. Alam ko na sa kanya talaga siya pupunta. Lahat sila ay tumayo na at ako na lang ang walang kapareha.
"Sir, si Alice po walang partner" sigaw ng kung sino. Tinignan ako muna ako ng guro at lumabas siya. "Alice, siya muna ang partner mo" sabi ng aming guro na kararating lang kasama si....Sean.
Ngumuso ako at tumayo na. "Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko sa kanya habang hindi pa nagsisimula. "May sinabi si Sir na kulang daw ng lalaki dito sa section kaya nagvolunteer ako" nakangiting sagot niya. Natawa na lamang ako dahil ang cute ng expression niya.
Pumalakpak ang guro namin ng dalawang beses kaya nakuha niya ang atensyon namin. "Igugroup ko kayo by 5, para hindi siksikan" sabi ng guro. Kagrupo ko si Nani at ang parehas niya, si Shane, si Gio at Harah at si Bert.
Panghuli pa kami sasayaw kaya nanonood muna kami. "Marunong ka ba niyan?" Napatingin ako kay Sean pero lumayo ako ng kaunti dahil halos mahalikan ko na siya.
Umiling ako. "Hindi 'e, ikaw, alam mo ba?" Tanong ko sa kanya. "Oo, madali lang" nagpa cute pa siya pagkatapos sumagot. Nang matapos ang lahat at kami na lang ang sasayaw. Kami ni Sean, Gio at Harah ang nasa harap, iisang nasa gitna si Nani at nasa likod pa ang dalawang grupo.
"Class, isipin niyo lang na may imaginary square sa floor" sabi ng guro. Idinemo niya kung paano gagawin. Medyo magulo pero ayos na rin dahil ang lalaki daw ang magdadala sa amin, at kami ay magpapadala lang. Masusunod at masusunod namin ang bawat hakbang ng mga lalaki.
Nagulat ako dahil hinawakan ni Sean ang kaliwang kamay ko at inilagay ito sa kanyang balikat. "Akong bahala sayo" kumindat siya. Nakita ko si Gio na masama ang tingin sa akin kaya tinaasan ko siya ng kilay.
Tumugtog na ang music at nagsimula na kaming sumayaw. Ang gulo, hindi ko alam kung paano hahakbang pero nagagawan iyon ng paraan ni Sean. Aaminin ko, magaling siya sa ganitong larangan.
Nang iikot na ako ni Sean at malapit nang mapunta sa likod ko si Gio at natapilok ako. "Ayos ka lang?" Tanong ni Sean. Ang akala ko ay dalawang kamay niya ang nasa braso ko pero hindi. Ang kaliwang kamay ni Sean ay nasa kaliwang braso ko. Pero si Gio, ang kamay niya ay nasa kanan ko. Tinignan ko siya dahil sa sama ang tingin niya kay Sean.
