2 YEARS LATER
Nakangiti lang ako habang pinagmamasdan ko sina Zoey at Zia. Hinatid ko silang dalawa sa school.
Bigla silang humarap sa akin at nag fly kiss kaya natawa ako.
Nang makapasok na sila sa loob ng school nila ay dumiretso na ako sa bahay.
"Ate." Tawag sa akin ni Allan. Agad siyang tumakbo palapit at yumakap sa akin.
"Kumain ka na ba, 'nak?" Tanong ni Mama sa akin.
Matapos yung insidente, nalaman ito ni mama at agad nagpunta dito. Alalang alala siya. Siguro may dahilan lahat ng mga nangyayari. Dahil sa insidente, nagkaayos kami ni Mama.
"Opo, Mama." Sabi ko at niyakap niya ako.
"Alice, sasabay ka ba sa amin papunta sa hospital?" Tanong ni Kuya Andrei. Umiling ako.
Matapos kasi namin dalhin si Gio sa hospital. Nacomatose siya. Hanggang ngayon hindi pa rin siya gising.
Umalis na silang lahat at ako na lang ang natira. Pupunta silang hospital. Nandon rin ang pamilya ni Gio. Birthday niya kasi ngayon.
Naligo na ako at nang matapos ako ay sumakay na ako sa kotse. Huminga muna ako ng malalim bago ito paandarin.
Habang papalapit ako sa hospital, bumibilis ang pagtibok ng puso ko.
Agad kong pinark ang sasakyan ko at nagpunta na sa kwarto niya.
"Kaya mo ito, Alice." Sabi ko sa sarili nang makarating na ako sa tapat ng pinto ng kwarto niya.
Pinihit ko na ang door knob at dahan dahan ko'ng binuksan ang pintuan.
Pero nanlaki ang mata ko nang makita ko siyang nakaupo habang nakikipag kwentuhan sa pamilya namin.
"Alice." Tawag niya sa akin. Tuluyan ng tumulo ang mga luha ko at tinakbo ko na ang paglapit sa kanya at niyakap siya.
"Akala ko hindi ka pupunta." Sabi niya sa akin. Nakatayo ako habang siya ay nakaupo at nakayakap sa bewang ko.
Tumingala siya sa akin at hinalikan ko siya. Rinig ko ang palakpakan nila Mama.
"Kailan ba ang kasal?" Tanong ni Kuya Andrei. Humiwalay ako sa kanya at nakita ko pang siniko siya ni Mama.
"Kasal agad, hindi ko pa nga nakikita kung karapat dapat ba siya kay Alice." Sabi ni Mama kaya nagtawanab kami.
"Akala ko iiwan mo na ako." Sabi ko sa kanya at hinalikan ko ulit siya. "Hindi pa nga kita nabubuntis. I won't leave you." Aniya.
Lumipas ang araw at nakalabas na ng hospital si Gio.
Nandito kami ngayon sa Hotel.
"Ano ba kasi meron?" Tanong ko sa kanya. Nakatakip kasi ang mga mata ko ng panyo. Paakyat kami ngayon.
"Shhh, I have a surprise for you." Bulong niya sa tenga ko na kinagat niya pagkatapos kaya kinilabutan ko.
"Tanggalin mo yung panyo kapag sinabi ko'ng go." Sabi niya sa akin. Humiwalay siya sa akin samantanlang nakatayo lang ako.
"Go." Sigaw niya. Kaya tianggal ko na ito.
Napatitig ako sa banner na nasa tapat ko. May nakasulat ito Will You Marry Me. Pinalipad nila ang banner. May nagba-violin rin.
Napatingin ako kay Gio na lumalapit sa akin. Hindi ko mapigilan ang pag-iyak ko. Lalo akong naiyak nang lumuhod siya sa akin.
"Alice, you're the one who saved me from comatose. Napaniginipan kita, tinatawag mo ako. That's why, nagising ako. Alice, baby, you're the love of my life. Will you be my wife for the rest of my life?" Sabi niya habang nakaluhod siya.
May nilabas siyang singsing. "Yes." Sagot ko sa kanya. "Yes?" Tanong niya. "Yes." Ulit ko.
Naghihihiyaw siya na parang nanalo sa lotto at hinalikan ko. Sinuot niya sa akin yung singsing.
"I can't wait to marry you. I love you, Alice. I love you so much." Sabi niya sa akin.
"Mahal na mahal na mahal din kita." Sagot ko at sinimulan niya akong halikan.
Hindi na ako makapaghintay na maging asawa ka, mahal ko.
*The End*