*10 years later*
Nagpalakpakan ang mga ka officemate ko ng ihipan ko ang kandila. "Happy birthday, Francisco" sabi ng kaibigan Kong bakla.
"Salamat ng marami" isa isa ko sila niyakap. Binati rin ako ni Nani at no Sean.
Isang matagumpay na engineer na si Nani habang si Sean ay isang doctor. Nagtatrabaho ako ngayon sa isang kompanya para makapag ipon ako. Nakapagtapos ako ng aviation.
Natapos ang party at si Sean na ang naghatid sa amin in Nani. "Thank you, ingat kayo" sabi ko sa kanilang dalawa. Pumasok na ako sa loob ng bahay.
"Tita" agad yumakap sa akin ang pamangkin ko na si Zia kasama ang kambal niyang si Zoey.
"Hello" niyakap ko sila pabalik. "Nakarating ka na pala, maya maya uuwi na kami" sabi ni kuya. Kasama niya ang kanyang asawa na si Rean. Bumukod na sila ng bahay kaya ako na lamang mag isa nakatira rito.
"Kanina pa ba kayo dito?" Tanong ko sa kanila. "Oo, bumili kami ng pizza" sabi ni Rean. Tumango ako at umakyat muna ako sa kwarto para makapag palit.
It's been 10 years, kamusta na kaya siya? May anak na kaya sila? Hanggang ngayon, masakit pa rin. Si Sean, pinilit niya akong ligawan pero ayoko siyang paasahin. Ayoko siyang saktan, dahil hanggang ngayon, nangungulila pa rin ako sa kanya. Iniwan ko siya nung gabi na yun, ang sakit kasi.
"Alice, aalis na kami" rinig kong sigaw ni kuya at mabilis akong bumaba. Niyakap ko ang kambal at umalis na sila. Halos 5 years na rin akong mag isa rito sa bahay.
Isinarado ko ang pinto nang maka alis ang na ang kotse nila. Nagtungo ako sa kusina para kumain ng hapunan. Nang matapos ako at ininit ko ang pizza at kinuha ang laptop.
Nanonood ako ng The Fault In Our Star nang tumunog ang cellphone ko. "Hello?" Tanong ko. "Alice, punta ako diyan, sleepover" sabi ni Nani sa kabilang linya.
Dahil dayoff namin bukas, walang problema kung magpuyat or magparty. Ininit ko pa ang dalawang box ng pizza sa oven.
"Sandali lang" dinilaan ko ang hinlalaki ko dahil nabahidan ng sauce ng pizza. "Good evening" bati sa akin ni Nani, hinalikan niya ako sa pisngi. "Ano dala mo?" Tanong ko sa kanya. "Ice cream, favorite natin" sagot niya sa akin.
Inihanda namin ang pagkain. Nagkwentuhan kami, puro tawanan. Nanood rin kami ng ilang horror movies. Dahil gusto niya horror pero siya rin ang takot.
Ang saya ko dahil minsan na lang kami magsleepover ni Nani. Puro kami trabaho, pero atleast, hindi nawawala ang friendship namin. I consider her as my sister, not just a bestfriend. Since, I do not have a sister, Nani is there to stand as my sister. I'm so happy that she was born.
"Kamusta na kayo ng Emon mo?" Tanong ko sa kanya. "Huwag mo na ngang sabihin yung pangalan ng pesteng lalaki na yan, masaya na ako sa buhay ko" sabi niya sa akin at uminom ng pineapple juice.
"Si Gio, nakabalik na mula America" sabi ni Nani. "Kasal na siguro sila ni Harah" sagot ko sa kanya at uminom din. "Bakit parang may halong bitterness?" Siniko niya ako sa tagiliran. "Wala 'a" nakangusong sagot ko. "May pag asa pa, hindi kaya natuloy ang kasal" Napa 'o' ang bibig ko. Hindi ko alam yun dahil tinuloy ko ang pag aaral ko nun sa state. Mahirap rin pala mag aral sa ibang bansa. Kaya siguro hindi ko alam.
"Ano naman kung hindi natuloy, tapos na kami" pinatatag ko ang boses ko dahil parang may nakabara dito. Natuloy man o hindi, wala na akong pake. Masaya na akong wala siya. Sana talaga masaya ako.
