"Gio, tumayo ka na diyan, male-late na tayo." Tinapik tapik ko si Gio pero hindi talaga siya magising. 2 am na. Sabi ni Sir. Lucas, sa office daw kami magkikita. Nakapaligo na ako ay maayos na ang mga damit na dadalhin namin. Tanging si Gio na lang talaga ang hindi pa ayos.
Pumamewang ako sa harap niya. "Kapag hindi ka pa tumayo diyan, ako na lang ang pupunta mag isa." Sabi ko. Tumayo na siya at masama niya akong tinignan kaya natawa ako. "Hintayin mo ako, maliligo lang ako." Aniya at pumasok na sa banyo. Nagcellphone muna ako. Mga ilang minuto, lumabas siyang naka-boxer lang.
"Yung laway mo tumutulo." Nginiwian ko siya kaya natawa siya. Hindi ko akalain na may abs siya. 6 packs abs. "Bakit hindi ka pa sa cr magbihis?" Tanong ko sa kanya. "Ayoko, gusto ko dito tsaka gusto kong makitang naglalaway ka sa akin." Sabi niya. Agad kong binato sa kanya yung puting unan.
Nang matapos kami sa pag aayos. Ini lock ko na ang pinto ng bahay at pumasok na kami sa kotse. "You woke up early, then go and sleep again." Sabi ni Gio habang nagmamaneho. "Hindi ako inaantok." Sagot ko. "You want something to eat?" Tanong niya. Napanguso ako ay tumango. Nag drive thru na lang kami. Sinimulan ko na ang pagkain.
"Hanggang ngayon, malakas ka pa rin kumain na." Sinamahan ko ng tingin ang natatawang si Gio. "Naalala ko lang, ano nangyari kay Harah? Bakit parang hindi ko siya nakikita?" Tanong ko sa kanya. Saglit siyang napatingin sa akin bago sumagot. "She's with her parent, nasa State sila. Nang hindi natuloy yung saming dalawa, she got angry. I admitted, it's my fault. Kinausap ko siya, I said that I don't love her. I hope she understand." Aniya. Hinawakan ko ang kanang kamay niya na nakalapag lang.
"I'm sorry." Sabi ko sa kanya. "For what?" Tanong niya. "I don't know, trip ko lang mag-sorry." Sabi ko na ikinatawa niya. "Look, I'm really sorry. I didn't listen to you that night. Akala ko iiwan mo ako kasi hindi mo na ako mahal." Sabi ko sa kanya. "Ako dapat ang nagsosorry sayo. Hindi kita nagawang ipaglaban noon. But I will promise, ipaglalaban na kita, at wala ng makakapigil sa atin." Sagot niya. Hinawakan niya ang kamay ko, ngumiti ako at pinagpatuloy ang pagkain.
Maya maya rin ay nakarating na rin kami sa opisina. Bumungad sa amin ang matte black na sasakyan. "You're late." Bungad sa akin ni Sir. Lucas. "I'm sorry, Sir." Pagpapaumanhin ko. "Who is he?" Tanong niya. Sasagot na Sana ako pero si Gio na ang sumagot. "I'm Gio, Alice's fiancé." Tinignan ko si Gio na masama ang tingin kay Sir. Lucas.
Dahil parang tensiyonado ang paligid. Naisip kong sikuhin si Gio at nginitian siya. "Sasama ako kay Alice, I hope you won't mind." Aniya. "It's fine." Sagot ni Sir. Lucas. Huminga ako ng malalim. Nawala rin ang tension.
Dumating ang isang chopper na may tatak na logo kung saan ako nagtatrabaho. Sumakay na kami doon. Ang mga bodyguard na raw ang bahala sa gamit namin ni Gio.
Magkatabi kami ni Gio sa likod. "Bakit ikaw, hindi kita nakikitang inaasikaso ang business mo?" Tanong ko sa kanya. "Si Rage ang bahala doon, kapag may problema or meeting na mangyayari, sinasabi niya sa akin at saka ko aasikasuhin. It is because, I want to spend all my time to you." Aniya at dinampian ako ng halik.
Napangiti na lang ako. Sumandal ako sa kanya at natulog. Lalo akong napangiti dahil sa sinabi niya bago ako makatulog.
"Sleep well, I love you so much."