Chapter 6

11 0 0
                                    

Kanina pa ako naiinis kay Nani dahil sa pag-alog niya sa balikat ko at sa pagtatanong. "Ano nga kasi nangyari sa date niyo ni Sean?" Napaawang ang bibig ko dahil kanina niya pa sinasabi na date.

Umiling ako. "Hindi nga 'yun date, kanina ka pa" iritableng sagot ko sa kanya. "Bakit, ano ba para sayo ang date?" Nakataas ang kilay at nakahalukipkip.

Napangiwi ako dahil may question and answer pala. "Sige, ang date kasi para sa akin ay...uhm...para yun sa mga couple, 'e hindi naman kami couple ni Sean" dalawang beses lang siya tumango. Bumalik na kami ng room dahil malapit na ang next subject namin.

Nagsasalita ang aming guro sa history nang may kumatok. "Bakit?" Tanong ng guro sa kanya. Si Joy ang kumatok, dati naming kaklase pero nalipat rin. "Excuse po si Gio" nag-ingay na ang mga kaklase ko. May nagsasabing ayieeee.

Tinignan ko si Gio na nakatingin rin pala sa akin. Nginitian ko siya pero seryoso pa rin ang tingin, kaya umiwas na ako ng tingin. Lumabas na siya. "Class, tumigil kayo" anang ng guro.

Tinignan ko si Harah na seryoso. Nakakunot ang noo at naka crossed arm.

Natapos ang buong klase at nauna na akong umuwi. May date pa kasi si Nani at Emon. Sinundo siya.

Kinuha ko na ang bike ko at sinimulan ang pagpidal. Sa kalagitnaan ng pagpidal ko ay may sumabay sa akin na isang bike. Binilisan ko ang pagpidal pero nasasabayan niya pa rin ako.

Tinignan ko siya. Nakahelmet, nakasalamin na itim at nakatakip ang bibig kaya hindi ko mamukhaan. "Bakit mo ako sinusundan?" Inis na tanong ko sa kanya, ngunit nagkibit balikat lamang siya.

Binilisan ko ulit ang pagpidal at naiwan ko siya. Ngumisi ako at tinignan siya sa likod, kumanan siya sa isang kanto.

Nang makarating, nag doorbell na ako. "Kamusta school, 'nak?" Hindi inaasahang tao ang nagbukas para sa akin. Bakit siya nandito?

"Anong ginagawa mo dito?" Nakakunot ang noo na tanong ko sa kanya. "Asan ang yakap ni mama?" Tanong niya, inilahad ang dalawang braso upang yumakap pero lumayo ako.

"Umalis ka dito, hindi ka namin kailangan dito" sagot ko at iniwan na siya doon. Pumasok ako sa loob at isang lalaki na parang nasa 60s ang age at isang lalaki na mukhang 10.

"Anak, siya si Ben, asawa ko siya, at ayan si Allan, kapatid niyo" sabi ni niya na nasa likod ko na pala. Kung titignan ang Ben, mukhang may lahi at mayaman. Sumama siya sa mayaman at iniwan kami.

Saglit ko muna sila tinignan bago magsalita. "Umalis na kayo dito" pagbabanta ko at umakyat papunta sa kwarto. Hindi ko mapigilan ang luha ko na sunod sunod sa pagtulo.

Tumapat ako sa kwarto ni Kuya at kinatok ang pinto nito. "Sandali lang" sagot ng nasa loob. Pinunasan ko ang mga luha ko pero hindi pa rin sila tumitigil.

Bumukas ang pinto at si nakapang alis na suot si kuya. "Saan ka pupunta?" Tanong ko habang tinitignan ang kanyang suot. Na pantalon at maroon na shirt si kuya.

Bumuntong hininga muna siya bago sumagot. "Pupunta tayo sa mall, kasama sila" sagot niya sa akin. Kumunot ang noo ko.

"Hindi ako sasama" sumeryoso ang itsura ni kuya na animo mangangain. "Sumama ka, magpalit ka na ng damit" umiling ako at sinamaan niya ako ng tingin.

Bumuntong hininga ako dahil wala naman akong magagawa. "Ganito na lang ako, hindi na ako magpapalit" sagot ko sa kanya. Bumaba kami ng hagdan nakita ko silang tatlo na nagkukulitan. Ang sakit nila sa mata.

Nothing Forever(completed)Where stories live. Discover now