Sa isang buong linggo, puro meeting lang ni Sir. Lucas ang inasikaso ko. Schedule ng meeting, anong oras, sino ka-meeting. Meron pa akong dalawang linggo. Nasa labas ako ngayon ng office ni Sir. Lucas, may kausap kasi siya ngayon sa loob.
"Ano kaya ginagawa ni Gio?" Tanong ko sa sarili ko. Nakasandal lang ako sa pader habang hawak ko isang folder. Napadiretso ako ng tayo nang lumabas na si Sir. Lucas kasama yung isang lalaki na medyo may katandaan na. Nagkamayan silang dalawa at umalis na yung lalaki.
"Alice." Tawag niya sa akin. "Yes, sir?" Tanong ko. "Tapos na ang lahat ng meeting ko, you can enjoy the rest of weeks." Aniya at pumasok na sa loob ng office. Napakunot ako ng noo. Ano daw?
Ibig sabihin, wala ng meeting si Sir. Lucas. Tapos na, mag eenjoy na lang ako dito sa Palawan.
Hindi ko alam kung anong reaksiyon ko. Masaya ba, nakakagulat ba. Hays, hayaan na nga. Tinignan ko yung folder na hawak ko. Nakakimutan ko ibigay kay Sir. Lucas ito.
"Come in." Sabi ni Sir. Lucas ng kumatok ako sa pinto niya. "Sir, nakalimutan ko lang ibigay itong folder. Pinabibigay po iyan ni Ma'am Cruz." Sabi ko. Binuksan niya ito. Napansin kong napangiti si Sir. Lucas. "It was successful. Successful lahat ng resulta ng meeting. Thank you Alice." Sabi niya sa akin. "Sige po, lalabas na po ako." Tatalikod na sana ako nang tawagin niya ulit ako. Humarap ako at nagulat na lang ako nang yakapin ako ni Sir. Lucas.
"Huwag mo lagyan ng malisya, this is just a thankful hug." Napangiti ako. Nang matapos niya ako yakapin ay lumabas na ako. Wala na akong trabaho. I will enjoy my 2 weeks here in Palawan with Gio.
Nakarating ako sa hotel at nagpunta na sa kwarto namin. "Gio." Tawag ko sa kanya pero walang sumasagot. "Gio." Tawag ko muli sa kanya. Pupunta sana ako sa kusina nang may makita akong petals ng mga roses. Ang dami nila. "Gio." Tawag ko muli sa kanya. Pumasok na ako tuluya sa kusina at nakita ko siyang nakaupo. May mga pagkain sa lamesa, may kandila, wine at wine glass.
"Bakit ka naka ganyan?" Tanong ko sa kanya. Naka shorts siyang itim na may lace sa dalawang gilid, parang ring bearer. Ang pinagkaiba lang, wala siyang panloob. Kaya naflex ang kanyang muscle. "Pinahiram lang sa akin to." Sagot niya sa akin. "Ano ba meron ngayon?" Tanong ko sa kanya. Nginisian niya lang ako.
Umupo na ako agad sa harap niya. "May good news nga pala ako sayo." Sabi ko sa kanya. Nakapatong ang ulo niya sa likod ng kanyang mga kamay. "Tapos na ang meeting, kaya enjoy na lang natin ang natitirang dalawang linggo." Sabi ko sa kanya na nagpangiti sa kanya. "Edi masosolo na kita?" Tanong ko. Ngumiti ako at tumango sa kanya.
"Ano ba tong niluto mo?" Tanong ko. Inamoy ko ang mga niluto niya. Ang bango. Merong adobo, may ice cream at french fries. May beef steak rin at nilang baboy. "Wow ang dami." Sabi ko.
"Tara kain na tayo." Aya ko at kumuha na ng pagkain. Pero napansin ko na hindi siya kumuha kaya tinignan ko siya. "Bakit?" Tanong ko sa kanya pero nginitian niya bago sumagot. "Ang ganda mo kasi pagmasdan." Aniya at nginitian ako. Susubo na sana ako nang may mabilis na liwanag ang lumabas. "Shit, may flash pala." Mura niya at pinatay ang cellphone niya. Kaya pala hindi kumakain, pinipicturan pala ako. Natawa na lang ako sa kanya.
Kinuha ko sa bulsa ko ang cellphone ko. "Tayo Gio." Utos ko sa kanya. "Bakit?" Tanong niya. "Pipicturan kita." Nakangiting sabi ko at pinakita ang cellphone. "What the--no way. Sa susunod hindi ko na ito susuotin." Sabi niya na ikinanguso ko. "Isang picture lang 'e, sige 'wag na." Itatago ko na sana ang cellphons ko nang magsalita siya. "Okay fine, just one click okay." Sabi niya na ikinatuwa ko. Agad siyang tumayo at tinapat ang cellphone ko. "Ngumiti ka naman." Sabi ko, nakasimagot kasi siya at hindi pa nakatingin sa camera. Nang ngumiti siya, dirediretso ang pagclick ko.
"Okay, bibilang na ako." Sabi ko pero hindi niya alam na nakuhaan ko na siya ng litrato. "1...2...3." Pagkatapos ay pinatay ko agad ang cellphone ko. "Patingin ako." Ngumiti ako at umiling.
Lumapit ako sa kanya para halikan siya pero napahawak ako sa leeg dahil ramdam ko na ang init niya. "May sakit ka ba?" Tanong ko sa kanya. Halatang giniginaw siya kaya tinanggal ko ang coat ko at binalot ko ito sa kanya. "It's just a fever, don't worry mawawala rin ito." Nakatingala siya sa akin dahil nasa likod ako ng upuan niya. Mabilis ko siyang hinalikan sa labi. "Ayan, for sure mawawala na ang sakit mo. Binigyan kita ng superpower kiss ko." Ngumiti siya sa akin. Shit, ang gwapo niya. Hahalik pa sana ako sa kanya pero umiwas siya. "Don't, one is enough. Baka mahawaan kita." Sabi niya. Inalalayan ko siya papuntang kwarto namin. "Talikod." Napakunot ang noo ko. Tinaasan niya ako ng kilay kaya tumalikod na ako.
"Tapos ka na ba?" Tanong ko at humarap sa kanya. Napatakip ako ng mata nang makita ko ang pwet niya. "Shit, sabi ko tumakikod ka." Aniya at mabilis na sinuot ang jersey na short niya. "Hindi ka naman sumagot kaya humarap na ako 'e." Sagot ko sa kanya habang tawa ng tawa. Infairness, ang taba ng pwet mo. Humiga na siya at kinuha ang kamay ko. Nakaupo lang ako sa tabi niya.
Ang sarap pagmasdan ng mukha niya.